Sa Gitna ng mundong naghihiyawan, nagsisigawan at nagsisiksikan.

May nakakapansin bang ako’y naririto?

Naririto ako at naghihingalo,

hinihin­gal Sa tunay Na mundo Sa pighati ako nababalot.

Sa mundong malakarera ang bilis

unahang ma abot ang mga ninanais .

Ako ! Ang pagod sa laban.

Ilang beses Na ring naisipan

Na ang buhay ay wakasan.

Ang mga ngiti ,

maskara Sa lungkot Na tunay Kung nararamdaman.

Tumatawa Sa harap ng iba

subalit kapag nag-iisa

ay hindi alam ang patutunguhan.

Sa likod ng mga ngiti

Na pina pakita

ay durog na puso

ang hindi alam ang kahulugan

ng totoong kaligayahan.

Paano ko sasalubongin ang panibagong umaga ?

Na Sa bawat pag gising ko

ay pag gising din ng aking nadarama.

Kaya Sa bagong umaga

magpakalulong at maniniwala sa sinasabi ng mundo,

magpakalunod Sa mga bisyong alak, droga, at sigarilyo .

Baka sakaling mapansin ako ng mga tao mga tao.

Baka sakaling makahanap Sa sagot Sa isipang naglalaro.

At sa oras na ito nagtatanong ka naghahanap ka na katulad ko

Sa mga kasagutan at kagalingan Sa mga pusong nadurog at iniwan.

Pagkatapos ng mahabang kalungkutan ngayon natamo ko ang liwanag.

Liwanag na nagbibigay pag-asa.

Alam kung ako ay hindi karapat dapat

Hindi ang tulad ko ang makaharap

ngunit sinabi ko sa aking sarili

Na Ito ang matagal Kung hinahanap.

Inakalang wala ng pag-asa.

Inakalang ang Laban ay tapos na

ngunit ako pala ay ipinaglalaban niya.

Pagkalipas ng mahabang kalungkutan

ngayon ay naranasan ka at sinabi mong “Anak mahal Kita” ,

iniwan Ka mn nila ngunit Hindi Kita iiwan dahil mahal Kita.

At sinabi ko ulit Sa aking sarili Na kung naranasan Ka nila.

Ako rin! Sanay maranasan din Kita!

At nais Kung malaman mo

Na wala akong ibang kailangan kundi ikaw.

Nais pa Kitang maranasan.

At sa paglapit ko dala ko ang buong tiwala,

dala ang pananampalataya

Na ikaw Jesus ang kasagutan at kagalingan

sa mga pusong durog at iniwan.

Sa isang hakbang palapit sayo

hinahawi ang kalungkutan Sa damdamin ko.

Isang hakbang naglalaglagan ang mga takot at pangamba.

At Sa paglapit ko

ikay naka ngiti

at sinabi mong ang langit ay nagbubunyi.

At Sa oras na Ito

Hindi ko ikinakahiya

Na si Jesus ang tanging daan sa liwanag na natamo.

-Binibining Joyce Salig