Maybe today, you are someone’s favourite person.
Gustong laging kausap.
Masaya kapag ikaw natatanaw.
Kumpleto ang araw kapag nasulyapan.
Kapag may problema ka, alam mo na kung sino ang lalapitan.
Halos magkasabay sa lahat ng trip.
Sabay kakain.
Magbibiruan na almost magkasakitan pero ayos lang kasi alam namang biro lang.
Madalas na magdrop ng personal message.
Magrereact sa mga posts sa social media.
Papapuntahin sa inyo para makipagkwentuhan ng mga bagong istorya o kahit na naulit na at paulit ulit pa.
Minsan pa nga, kahit wala na ang iba, basta nanjan ka, ayos na ayos na.
Favorite kang asarin.
Favorite kang kasama sa gala.
Favorite kang sabihan ng sekreto.
Favorite kang sabihan ng mga taong kinaiinisan at namimiss nya.
Favorite ka ring tulugan kahit sabi nya game ka sa puyatan.
Pero isang araw,
Lalayo sya.
Magbabago sya.
Hindi na sya magchachat.
Hindi na sya magpaparamdam.
Minsan pa nga, maiinis na sya paglumalabas yung pangalan mo sa messenger.
-
Magtatago na sya kapag hahanapin mo.
Gagawa sya ng dahilan para hindi ka makasama.
Lalaitin ka na ng sobra pa sa sobra.
Mawawalan na sya ng gana.
Magtatampo na sya.
Magiging busy na sya.
Mawawala na ang dating pagtingin at pakikisama.
Hindi yan okay, syempre. Pero sana, kung sawa na, sabihin ng harapan. Para kung ganito na talaga, buksan mo muli ang puso mo para sa iba. At sila naman ang aalayan ng pag-ibig at panahong minsan siyang pinaligaya ngunit ngayon ay pinagsawaan na.
Sana, kapag bumalik na ang dati nyang pakikitungo at pagtingin, maalala nyang may isang taong nagpahalaga sa kanya ng tunay.
When that time comes, alalahanin mo rin na minsan, ikaw ay kanyang naging paboritong nilalang.