Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

bakit pa nahulog ang aking puso sa pusong nagmamahal na sa iba?

sa dinami-dami ng lalaki sa mundo, hindi kita makalimutan.

alam kong mali na, gusto ko nang ihinto ngunit hindi kita mabitawan

While you are busy reading this article, try mo rin makinig sa episode namin:


dahil hindi ko alam kung anong meron sayo at lagi kang hinahanap ng aking puso.

***

ako’y iyo namang pansinin

dahil pakiramdam ko parang ako’y hangin

sulyap mo lamang ang aking hangarin

ngunit alam kong hindi mo iyon tutuparin

dahil may ibang laman na ang puso mo

at iyon ay hindi ako.

***

ako’y gulong gulo na

hindi ko na alam

kung anong dapat gawin

kung ikaw ba

ay patuloy kong mamahalin

o ititigil ko na

ang pagbugso

ng aking damdamin?

***

napagdesisyunan kong

hindi ko nalang sasabihin

sayo ang totoong nararamdaman

ko dahil alam kong wala rin

namang patutunguhan ang

mga salitang aking bibigkasin

dahil alam kong walang

wala na akong pag-asa

sa labang ito, ako’y talo.

***

saan ba ako

pupwesto sayo

kung saan talaga

nalilito, nawawala

ako ay di na masaya

sayo sana ako

kaso hindi

ang pwesto ko sayo

ay nasa

espasyong blanko.

***

andun na ako sa puntong

sasabihin ko na sana kaso

kaso nga lang, umurong ako

pabalik. hanggang sa hindi

ko na nasabi kasi oo. duwag

ako. kaya eto ako ngayon

urong-sulong sa mga

nararamdaman ko para sayo.

***

ipinikit ko ang mga mata ko, at nakita kita

hawak mo ang aking kamay habang

sinasambit ang mga salitang gustong

gusto kong marinig ngunit nang

buksan ko ang mga mata ko, tumulo

ang aking luha habang ang kamay

ko’y wala palang kahawak.

***

hindi alam ang dapat na gawin

ang puso’y patuloy na nagdurugo

ang nararamdaman ba’y dapat

ihinto o ipagpatuloy

ikaw ba’y dapat na limutin o mahalin

sapagkat hindi na alam ng puso

ang direksyon na kanyang patutunguhan.

***

sa mga mata mo lang ako nahuhumaling

ako’y nakasulyap lamang sayo

pero ikaw ay nakasulyap

sa kanya.

***

bawat araw

pinag-iisipan

kung ikaw ba’y

kakausapin o

papansinin

pero kahit

naman gawin

ko yun ay

hindi mo

pa rin ako

mamahalin.

***

nakakapagod maghintay

dahil ang taong

hinihintay mo ay

hindi ka naman

hihintayin.

***

minsan napapaisip nalang

kung hanggang kailan

ba ako mananatiling ganito

habang buhay nalang ba

talaga akong aasa sa wala?

***

puso’y hindi na masaya

dahil sa nawalang ligaya

nakuha na siya ng iba

napakasakit, hindi ba?

***

mapapait na alaala

lamang ang mayroon

tayo kaya naman

eto ngayon ang puso

ko hindi na malaman

kung papaano tumila

***

pagsubok nga siguro

ang lahat ng to

para sa kinabukasan

matututo na ako

magmahal sa taong

mamahalin ako pabalik.

***

panandaliang ngiti

panandaliang hapdi

kahit isang araw man

kahit kunwarian man

pwede bang maging tayo?

***

paano ko wawakasan

kung ang pag ibig ko

sayo ay walang katapusan?

paano ko sisimulan

ang pag ahon ng puso ko

sa mga alalaalang ako’y

labis na nasaktan?

***

mga tanong na hindi

naman masasagutan

ngunit para naman

ang mga nararamdaman

ko para sayo ay lumisan

na at ika’y makalimutan.

***

lumaban ako sa giyerang

alam kong talo ako

pinaglaban ko ang taong

hindi naman ako ipaglalaban.

***

sana sa tamang panahon

hindi ko na mararanasan

ang magmahal sa taong

di naman ako mamahalin

pabalik sana balang araw

maranasan kong merong

magmamahal sakin kung

gaano ko siya kamahal

ganun din niya ko kamahal.

***

huli na nga pala

ang lahat kaya

wala na talagang

pag-asa para

sating dalawa.

***

paano ako liligaya?

kung sa susunod

kong paggising

masasaktan na

naman muli

ang puso?

***

hindi na malaman

kung ano ang tunay

na nararamdaman

sapagkat alam kong

eto naman na ang

wakas ng ating

pagmamahalan.

***

pasensya na kung

may mga araw na

ayaw kitang makita

ayoko lang kasing

makita kitang may

kasamang iba dahil

tuwing nakikita ko

kayo, sinasampal

sakin ang

katotohanang

hindi tayo.

***

sino nga ba ako

para sayo?

sino nga ba ako

para mahalin ka?

sino nga ba ako

kung hindi ka naman

para sakin at hindi

ko hawak ang

puso mo?

***

sa wakas ay aking

napakawalan na

ang tunay na

nararamdaman ko

para sayo

sa wakas

ay nasabi na rin ang

matagal ko nang

gustong sabihin sayo

sa wakas ay natapos

na rin ang sakit

kung saan

puso’y di na kailangang

masaktan pa muli.

Send me the best BW Tampal!

* indicates required