Ml o Ako
Categories Poetry

Ml o Ako

Tatlong salita, anim na letra

Ang hirap pumili sa dalawa

Ml na iyong kinaaadikan,

O Ako na iyong kasintahan?

 

Nandito ako naghihintay sa text mo

Nagbabaka-sakaling naaalala mo pa

Nagtatanong sa sarili ko

“Ano na bang ginagawa ng mahal ko?”

 

Ang cellphone ko na lowbat na

Pero kahit alam kong wala akong mapapala

Naghihintay parin ako na magreply ka

Ang hirap palang maghintay sa wala

 

Ngunit ikaw pala’y nageenjoy na

Naglalaro ng ml kasama ang iyong barkada

Palagi nalang ganto ang inyong ginagawa

Oras mo para sa akin nawawala na

 

Ano ba ako sayo?

Sabi mo sa akin lang ang oras mo

Pero bakit ganito?

Wala akong laban dyan sa ml mo