Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

tumatakbo ang oras sa likod ng aking kamalayan
habang ang mga mata ko’y bitbit ng liwanag.
bawat paparating na kulimlim ng kinabukasan sa pagtulog
ay lubos kong pinaghahandaan
at pagdating nito sa aking paggising,
hanap-hanap ng aking diwa
ang katiwasayan ng nakaraan
na hindi na maaaring balikan.

saglit na namahinga sa paglimot, nalungkot sa nakita.
pilit pa ring kumukubli
ang pusong payapa
sa mga punit na pahina.

Send me the best BW Tampal!

* indicates required