Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

nilibot ko na ang mundo ng mga katanungang
hilig ay mamalagi sa aking isipan.
matiyagang nag-aabang sa pagdating
ng bawat kasagutan
ngunit hindi pa rin ako makuntento, hindi pa rin.

tumatakbo ang oras habang ako’y naglalayag
sa dagat ng pagtataka
at patuloy ako nitong pinamamangha.
umaagos ang ngiti sa aking mga labi
sa hatid nitong hiwaga.
lulubog, lilitaw ang araw
nang hindi ko nakikita.

galak na galak ako sa tuwing
hihiramin ng panaginip ang ilang oras
sa aking kamalayan.
ang hindi ko masilayan sa liwanag
ay sinusuyo pala ng paglaya ng buwan
at lingid sa aking kaalaman,
ito ang hinahanap
ng puso kong gumuguhit ng sarili
nitong direksyon
sa kawalan.

While you are busy reading this article, try mo rin makinig sa episode namin:


Send me the best BW Tampal!

* indicates required