My Bakit List
Categories Confessions

My Bakit List

MY BAKIT LIST

Ako yong babaeng naniniwala sa power of Love. Kahit ang ilap ng love sa akin. Naniniwala ako sa tadhana, naniniwala ako na lahat may dahilan kung bakit nangyayari ang hindi dapat mangyari at nawawala ang hindi dapat mawala.

I am a love addict. I want to love and felt beloved. Gusto ko yung konsepto ng pag-ibig kahit na ang malas malas ko sa aspeto na yan.

Bakit nga ba malas?

I met a lot of men, I get to know them and date them. Pero bakit? Bakit hanggang getting to know each other stage lang kami? Bakit hanggang kilig lang yong pinararamdam nila? Bakit hanggang proseso lang ako sa kinababaliwan kong pag-ibig?

Bakit nawawala kang bigla magician ka ba?

I know for myself na babae ako, straight yun! no confusions. Pero bakit nawawala sila bigla? Bakit pagkatapos nila akong pakiligin naglalaho sila na parang bula? Hindi naman ako assuming pero bakit nagbibigay sila ng motibo? Sabi nila Never assume unless motives are clearly stated. Eh pano kung clearly stated yung motibo niya? Hindi ako assumera sadyang paasa lang talaga siya.

Babae ako nanahimik lang kami. Ang mga lalaki ang kusang lumalapit. And its up to us if we entertain them or not. Iba ako sa ibang babae straight forward ako if i don’t like you i won’t date you. Hindi ko ibibigay o hahatiin ang oras ko just to entertain you kung hindi kita bet!

Pero bakit?

Bakit ang daya mo!

Duwag ka!

Sabi ni Bob Marley a man who awaken a woman’s love without the intention of loving her is a coward.

Bakit ako option?

I asked you many times how pure your intention was. Hindi ko kailan man pinakita or pinafeel sa iyo na I don’t like you and it is very clear. Sana sinabi mo na trip lang yun para na set ko rin sa sarili ko na trip ka lang din. You waited for me to say Yes, you waited for me to utter my feelings kahit alam mong may iba na. Pinag mukha mo akong tanga! You shoud’ve told me. Kung ano yung level ng saya na pinafeel mo noon, yun din yung level ng sakit na pinafeel mo sakin ngayon. I was being fooled by you!

Ano ba ako sa iyo?

Gusto kong magtanong. Gusto kong magalit pero wala ako sa lugar kasi walang tayo. Walang tayo kaya wala akong karapatan magselos o magreklamo kasi nga WALANG TAYO. Oo walang tayo pero nasimulan ko ng mahalin ka. Tayo man o hindi pagmahal mo at iniwan ka PAK! patas lang ang sakit nun.

Option, yun ako sa iyo. I was just an option, reserba. Hindi ako yung pinili. I was left hanging on the bridge of cloud nine. I cried and was insecure. Panget ba ako? Kapalit palit ba ako? mga linya ni Liza sa pelikula na naging linya ko na rin sa tunay na buhay.

Kaya sa iyo Muntik kong Forever,

Thank you. Thank you for making me feel special and loved kahit saglit lang. Thank you sa pagpapakilig kahit na lokahan lang pala yun. Thank you for wasting my time to you at least ngayon mas papahalagahan ko na ng husto ang time ko. If it wasn’t by you i wouldn’t know how to differentiate pure and fake intentions.

But even though my card in love is not as lucky as Juliet i still believe in it 100%.

-love addict 1989-