Naglahong parang Bula

Isang kwentong nagsimula nang di inaasahan
Nagdulot ng kakaibang kaligayahan
Sa bawat araw na lumipas
Kamusta mo’y walang wakas
Ngunit gaya ng simula na di inaasahan
Ganun din pala ang katapusan
Kay bilis mo namang winakasan

Kay bilis mo namang binawi
Parang isang buhawi
Tuwa at galak ay hinawi
Lungkot ay namutawi
Sa huli, iiwan mo rin palang sawi

Gusto ko na tuloy maniwala
Duda’y ayaw mawala
Sino ang paniniwalaan sa kanila
May nagsasabing “Wala raw poreber”
Meron namang “Humanap ka ng mas better”
Ayoko na, tigil na
Sawa na ang puso umasa sa pangako nila

Dito natatapos, isang istoryang nabuo sa isang iglap
Noong una’y parang nasa alapaap
Maraming pangako ang naganap
Ngunit bakit ganun kasaklap?
Nagwakas nang di pa tuluyang nalalasap

Exit mobile version