Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

” Ano ba ang dahilan ng pagbabago ng puso?”

For me ah these are the reasons I encountered:

1. Lack of excitement. Some people change kasi they crave for that “kakaibang feeling” to them kasi love is something that will fulfill you, complete you and make you happy.  Gusto ng bagong adventure, bagong perspective, bagong lasa, naumay sa nakasanayan, nasobrahan sa sobrang tamis o tabang ng relasyon. Worst sobrang toxic at bitter na nung isa.

While you are busy reading this article, try mo rin makinig sa episode namin:


2. It became stagnant. Nawala na ung hype, nasanay ka na lang sa paulet ulet niang good morning, good night, I miss you at I love you nia minsan di mo na hinahanap hanap kasi sanay ka na, minsan di mo na rin ramdam kung totoo pa ba o routine na lang. The tendency is to have a TOA (transfer of affection) which they saw to someone else is capable in hyping up their feelings.

3. The other partner is the cause of stress. Sa karelasyon nila nakukuha ung probema. Imbis na maging kanlungan, nakakadagdag pa sa alalahanin. Lalo na sa mga magkakalayo/LDR, laging tamang hinala lalo na di lang nakapag update dahil busy o nakatulog na agad ng maaga galit na.

Sa mga mag asawa naman, Imbis na may mag aalaga sayo pag-uwe mo, aawayin ka pa, dadakdan, tatalakan o minsan di ka man lang mapaghandaan ng pagkain o maabutan ng tubig, mabigyan ng masahe o bigyan ng gamot pag may sakit ka.

4. Lack of deep connections. It is important for you to know your partner well like you could actually be. Nung nakita mo na ung mga flaws, bad side nia parang nawalan ka na ng gana. Ayaw mo na sia kilalanin lalo na sa mga nasa getting to know stage palang, na “turn off” ka na agad, malayong malayo dun sa ugali na ineexpect mo nung bago palang kayo at nasa ligawan stage palang. Lalo na dun sa mga online dating lang nagkakilala, ang ganda ganda sa profile pic, pag kita mo ibang iba sia sa personal, edit at filters lang pala.

5. Last di pala karelasyon ang hanap mo kundi companion lang.
Naghahanap ka lang ng atensyon. Madaming ganto, kaibigan lang pala hanap mo, hindi ka-ibigan. Gusto mo lang ng pansamantalang tao sa buhay mo lalo na kapag may problema ka at feeling mo mag-isa ka, pero ayaw mo ng pangmatagalan na aalagaan ka habang buhay kasi nasanay ka na mag-isa.

Jeremiah 17:9 The heart is deceitful above all things who can know it.

Send me the best BW Tampal!

* indicates required