Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

Minsan na din akong nagmahal at nasaktan,

Nasaktan dahil ako ay umasa,

Umasa dahil binigyan niya ako ng dahilan,

While you are busy reading this article, try mo rin makinig sa episode namin:


Dahilan na akala ko ay kaya niyang panindigan.

Ako din naman ay may mga pagkukulang,

Pero sapat na ba yun para basta na lang niya ako talikuran?

Di nalang sana niya pinaramdam,

Na kaya niya akong alagaan at pahalagahan.

Ang dating masaya at kuntento,

Bakit bigla na lang nagbago?

Mga pangarap na aming binuo,

Naglaho, dahil nag iba na ang kanyang puso.

Alam kong masaya na siya ngayon,

At iyon naman ang naging dasal ko noon.

Nawa’y mahanap niya ang totoong kasiyahan,

Matagpuan ang wagas at tapat na pagmamahalan.

Salamat, sa mga karanasan at aral.

Salamat, naintindihan ko kung paano ang tunay na magmahal.

Salamat, nalaman ko ang halaga ko bilang tao,

At mas lumalim pa ang pagmamahal at respeto ko sa sarili ko.

Salamat, at ngayon buong-buo na uli ako.

Send me the best BW Tampal!

* indicates required
  • TAGS
  • 1
I do love to read books and articles that will inspire, motivate, and give me lessons and realizations about life in general. Thus, make me an Aspirant Writer as well. ;)