Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

Lagi nalang ganito
Puso’y nalilito
Tila laging hinahanap
mga haplos at yakap mo

Ilang paalam na ang binitawan
Mga mata’y lumalaban
Ngunit tila luha’y laging panalo

Kailan kaya iiwan ng lungkot at pangungulila?

While you are busy reading this article, try mo rin makinig sa episode namin:


Kung ano man ang totoo

Puso man ay nalilito

Handang harapin ang kabayaran ng sayo’y aking paglisan

Ang dating pagmamahalan ay kakalimutan

Ngunit  bakit parang hindi ganon kadali?

Ito ang hiniling

Ang pakawalan ang isa’t isa

Ngunit bakit tila hindi napaghandaan

Ang pangungulilang haharapin?

Nakalimot na nga ba

Ang pusong napagod ng masaktan?

Nakalimot na nga ba

Ang pusong piniling magmahal ng iba?

Nakalimot na nga ba

Ang pusong iyo ng pinalaya?

Kung oo man ang sagot sa mga katanungan

Bakit puso’y tila nalulumbay?

Bakit puso’y tila nananabik na ika’y bumalik?

Send me the best BW Tampal!

* indicates required