Nakalimutan ko na magmahal
Categories Relationships

Nakalimutan ko na magmahal

Nakalimutan ko na magmahal.

“Di ko alam e. Di pa ko ready sa commitment.”
Yan ang default kong sagot everytime may nagtatanong sakin kung bakit single pa ko. “It’s better to wait long than to marry wrong.” Yan ang motto ko.

Ang bilis ng panahon. Halos isang dekada na pala akong single. Dumating na ako sa puntong okay na maging single forever. Walang pressure kahit medyo nagkakaedad na. Sabi ko sa sarili ko, “Masaya naman akong naglilingkod kay Lord at ineenjoy ang presence Niya. Sagana ako sa pagmamahal na natatanggap ko saking pamilya. Nagpprovide din si Lord ng needs namin through my work. Ano pa hanap ko?” Ayoko yung tinatanong ako kung nasan ako, ano ginagawa ko. Nacocornyhan ako sa constant kasweetan ng mga friends kong couple sa social media. (Bitter na ba ko dating na yan? Haha)
Nakalimutan ko na feeling ng nagmamahal. Romantic love, I mean.

But then she came…
Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Nagising sa pagkakatulog ang puso ko. Naging interesado ako sa kanya and I started praying for her na di ko ginagawa dati. The more I get to know her, the more I want to pursue her. Siya ang gusto kong makasama habang buhay. Masaya ako na makita syang masaya at matulungang matupad ang pangarap nya. I want to serve her and serve God with her. I see her as a precious daughter of the King and I want to be the man that will deserve her. Time flies pag magkasama kami. Yun yung mga oras na sana di na matapos. Tuwing nasasagi sya sa panaginip ko, pinipilit kong wag makalimutan yon paggising ko. May times na tumitingin ako sa pictures nya or nanonood ng mga cover videos nya. Stalker na ba ako? Kahit di ako tinatanong, madalas shineshare ko ginagawa ko, kung nasan ako, o pinagkakaabalahan ko. Ano nangyayari sakin??
Gusto ko din makilala ang mga taong malapit sa kanya. Parents, lolo, mga kapatid, friends, etc. Para sakin, proof yon na seryoso ako sa kanya. Handa akong tanggapin kung sino sya, the good and the bad side.

I know di pa time para sabihin sa kanya ang nararamdaman ko, kaya dinadaan ko nalang muna sa paggawa ng mga sulat, tula, at kanta ang lahat ng gusto ko sabihin. Kelan pa ko natuto ng ganito?
Dahil ayokong maging padalos-dalos sa aking desisyon, ginawa ko ang di ko pa nagagawa since birth, ang humingi ng payo sa magulang ko regarding sa lablayp. At nagulat ako dahil supportive sila sakin.  I realized dapat matagal ko na ginawa.

Unexpected ang kanyang pagdating sa aking buhay. Ang dating di ready sa commitment ay naging excited to commit sa isang lifelong relationship.

Ganito pala ang nagmamahal. Naalala ko na.