Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

Hindi ba’t sabi mong pulutin ko
ang mga basag na piraso
ng puso kong winasak ng kung sinu sino?
Pupulutin,
Pagtatagpi-tagpiin,
Bubuuin.

Hindi ba’t sabi mo ingatan ko ang pusong ito,
dahil isang araw
may kukuha at mag-aalaga nito?
Kukuhanin,
Kukupkupin,
Mamahalin.

Hindi ba’t pinulot,
pinagtagpi
at binuo ko naman?

While you are busy reading this article, try mo rin makinig sa episode namin:


At hindi na ata namalayan,
Nakuha mo,
nakupkop mo
pero minahal?

Hindi siguro.
Hindi ka kasi sigurado.

Kaya heto, nagpupulot ulit ako
ng mga basag na piraso
ng puso kong winasak
ng kung sinu sino.

Send me the best BW Tampal!

* indicates required