Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

100 TULA
Umabot man ng isang daang tula ang
aking magawa
Sa bandang huli, katulad ni Fidel wala din
akong mapapala
Katulad ng isang daang tula na sa
kaibuturan pa ng puso ko nagmula
Hindi na mapapawi ang sakit na ako din
mismo ang nagpawalang bisa
Alam kong hindi aabot ng isangdaan
Kung ako’y iyong tatanungin kung ano ang dahilan
Kung bakit kita nagustuhan
Ngunit alam kong kayang tumbasan
Ng isang daan ang mga dahilan
Kung bakit hindi mo ako magugustuhan
Hindi ako katulad ni Stella
na may itim na lipstick
Hindi ako katulad ni Stella
na rakista
Pero katulad ako ni Fidel
na nauutal pag ang mata mo at mata ko
ay nagtama
Katulad ako ni Fidel
na sa tula ibinubuhos ang bawat patak ng luha
Pero alam mo bang sa bawat pagpatak ng
aking luha
Pinapatunayan lamang nito na Ikaw at Ako
ay hindi maihahalintulad sa isang tula na
kahit kailanman hindi magtutugma.

Send me the best BW Tampal!

* indicates required