Nasaktan ako pero mas mahal kita
Categories Move On

Nasaktan ako pero mas mahal kita

Para sa taong nagwasak ng puso ko, ngunit nagbigay sa akin ng hindi napapawing kasiyahan. Ikaw ay karapat-dapat sa pagpapala ng Panginoon.

Limang buwan na ang nakalipas nang tayo ay huling mag-usap. Alam kong hindi naging maganda ang ating pagtatapos, subalit ako pa rin ay taos pusong nagpapasalamat dahil nakilala ko ang isang katulad mo kahit na sa maikling panahon.

Maraming nagsasabi, para mawala ang iyong pagmamahal sa isang taong mahal na mahal mo, kailangan kamuhiyaan mo ang lahat ng bagay patungkol sa kanya. Ngunit para sa akin, hindi kailanman mawawala ang iyong pagmamahal sa isang tao lalo na’t minahal mo sya ng lubos.

Ikaw ay naging isang malaking pagpapala sa akin, nagbigay ng tapang upang harapin ang mundo…….. mag-isa. Noong ako’y iniwan mo, unti-unti kong natanggap na ang mga nangyari sa ating dalawa ay isang pagpapala sa magkaila para sa ating dalawa upang tayo ay magkaroon ng pangsariling paglaki at makilala ang ating mga sarili ng lubusan.

Palangga, oo, ito ay nagdulot ng sobrang sakit at hinagpis. Oo, ito ay nagdulot ng mga tanong walang payak na kadahilanan. Oo, mga walang kabuluhan ang mga pinagmulan. Dahil yung taong nagpakita sa iyo ng mundong mala-paraiso at nagdala ng paru-paro sa pagkatao mo, siya rin ang wumasak sa iyo na tila bang hindi mo alam kung paano mo pupulutin ang nawasak na pira-piraso. Subalit, kahit na napagdaanan at naramdaman ko ang mga ito, hindi ako humintong ipanalangin ka, Mahal.

Sa tingin ko ay ito talaga ang itinadhana para sa ating dalawa. Itinadhana na itong maging ganito talaga. Alam ko naman na simula pa lang sa umpisa, bago pa nating mapagdesisyunan na magkaroon ng “Tayong Dalawa”, hindi ito ang kalooban ng Panginoon para sa ating dalawa, hindi ito ang pang walang hanggan. Isang mali. Ang naging relasyon nating dalawa ay isang kamalian, ngunit dahil sa bunga ng ating pagmamahalang pinagsaluhan nating dalawa ito ay umubra…… pansamantala. At oo, hindi nga ito humantong sa sanang malakasan.

Palangga, alam ko kung gaano natin sinubukan upang maabot ang “Habang Buhay”, alam ko kung gaano natin sinikap maging “Palaging Magkasama.” At huli sa lahat alam ko kung gaano natin sinubukang labanan ang lahat upang humantong tayo sa “Walang hangganan”, pero gaya nga ng sinabi ko na sa simula pa lang, alam ko hindi ito ang kalooban ng Panginoon para sating dalawa. Hindi ito ang pang walang hanggan, Mahal.

Nagsimula ito sa isang mababaw na hindi pagkakaintindihan at ang mga pangarap na inakala nating binuo natin sa isang matibay na pundasyon ay parang naging isang buhangin na nagpadala na lang sa ihip ng hangin. Ang mga ito ay unti-unting naglaho. Nawala ako sa sarili ko, at ganoon ka rin noong pinili nating panindigan ang ating pagmamahalan.

Palangga, nalagpasan natin ang maraming pagsubok na dumaan sa ating relasyon, ngunit hindi ito nagpatibay sa atin, bagkus ito ang naging hudyat upang tayo ay manghina at mapagod sa relasyon nating dalawa. Naging sandalan ang bawat isa at humantong tayo sa kung saan ay nawasak ang “Tayong Dalawa”.

Palangga, huwag ka sanang magagalit. Sinulat ko ito dahil gusto kong malaman mo na ako ay lubos na nagagalak at nagpapasalamat dahil binigyan mo ako ng pagkakataong makilala ka hindi lang sa mababaw na pagkakakilanlan, ngunit sa malalim na pagkakakilanlan. At sa karagdagan, maraming salamat dahil binigyan mo ako ng pagkakataong makilala muli ang aking sarili sa antas na hindi maiintindihan nino man.

Palangga, sana ay malaman mo na ipinagmamalaki kita at masaya ako sa kung ano man ang narating mo na para sa sarili mo. Hinding hindi ako hihintong maniwala sa May Kapal na balang araw ay darating ang itinakda at tamang oras para sa ating dalawa upang muli tayong magkasama. Hindi sa pananaw na maiisip at magiging batayan ng mundo, ngunit sa paraan kung saan ay maitataas ang pangalan ng Panginoon.

Palangga, hindi ako hihintong ipanalangin ka dahil ikaw ay karapat-dapat sa mga mabubuti at magagandang bagay na meron ang Panginoon para sa iyo. Ikaw ay karapat-dapat sa isang lalaki na gagabayan ka papalapit patungo sa puso ng Nya. Ikaw ay karapat-dapat sa mga magaganda at mabubuting bagay na hinanda at ipagkakaloob sayo ng May Kapal, kaya naman hindi ako hihintong ipanalangin ka, Mahal.