Ngayon
Categories Poetry

Ngayon

Puro paramdam, puro parinig
kailan nya malalaman ang di masabi ng iyong bibig
kung tanging sa pahapyaw mo lang naisisigaw
ang damdamin mong sa pagtugon nauuhaw.

Isinasantabi ang sarili
nagkukunwaring walang nararamdman
ngunit ang puso nya’y tila bingi
sa damdaming patago mong pinagsisigawan.

Isang hakbang palapit
Sampu naman ang paatras,
paano mo masasabing
baka may pag-asa sa bukas?

Ang bukas ay isang pangarap
at sayo’y hindi ito nakapangako.
Ang meron ka ay ang ngayon,
upang ang kinabukasan ay magkadireksyon.

Sa iyong tahimik na pagmamasid
damdamin mo’y mas lumalalim.
Ngumit bawat ngayong iyong ipinagpapabukas
ika’y naligaw. nawala sa landas.

Kaya’t sa iyong paghihintay lahat ay nawala
Sayong alinlangan, agam-agam at walang bahala
Nasuplungan nya ang isang pag-ibig
na matapang at walang pangangamba.
Ang akala mong panahon mo na,
naging panahon na nya sa iba.

Walang masama sa magplano sa kinabukasan,
Pero sana ang ngayon mismo’y di nalimutan.