Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

Hi. A story that might shock everybody. Im very inlove with this guy. HS schoolmate, my prom king, pero di naging kami non, walang nanligaw at nag paligaw. Little do we know, may same feelings pala kaming dalawa, this yr lang namin nalaman nung mag kausap ulit. So from 2008-2021 ganyan katagal namin sinawalang bahala yung nararamdaman. Kaya nung nag kausap ulit , naging swabe lahat. Masaya, sobra, sabi nga dba masarap mag mahal pag tunay. Sabi nya ako yung pangarap nyang babae, at matagal ng pinapangrap. Kaya ang bilis namin nag decide for “our future”. But one night, my nightmare came up, may nag chat sakin na common friend, like “hello, stop na, tignan mo tuloy kasal nila” gumuho. Gumuho mundo ko, pag katao ko, lahat ng pangarap gumuho. So I was dating this guy for 3mos. He’s having a 9yrs long term relationship. Sabi nya kasi sakin “hindi kami, okay, nag aantay lang kami ng right timing para tapusin lahat” , and yes nag tiwala ko sakanya. Pinakitaan nya ko ng mga bagay para mapaniwala ko na totoong wala na sila. Kaya nag work yung kung ano meron samin. The night na malaman ko yon, dali dali ako nag drive pa sakanya. Hinarap ko sya, kinausap ko, tinanong ko kung bakit? Bakit nagawa sakin, ang sagot nya sorry. Pero totoong mahal nya ko sobra pero need nya tapusin yon kasi matagal na nakaplano. Muli gumuhong guho ang mundo ko. Matagal na? Ha? Sabi mo wala na kayo. Bakit paano. Guys, sobrang updated ako sa ginagawa nya, vc mayat maya, chat mayat maya. Hindi pala talaga assurance to, talagamg kung mag loloko, mag loloko. Hindi ko din alam bakit natolerate ng pamilya nya. Yes alam ng pamilya nya yung samin. Saya no? Iba yung sakit nito. Akala ko sya na yung ponag dasal kong lalaki. Akala ko lang pala. Hanggang sa nag decide ako ipaalam sa pamilya nung 9yr relationship nya, and guess what sakin galit na galit yung family, kung ano anong binato sakin salita, without knowing the whole story, sympre at dahil sinungaling nga si guy, naiahon nya sarili nya sa pamilya nung babae at ako talaga ang ginawang mali. Ending? Nag laslas, yan ang naging sagot ko sa problema, nilamon ako, nilamon ako ng problema, ng lungkot. Until now, sht ang sakit. Nung Saturday lang lahat nangyari to (Oct 23,2021) fresh na fresh pa guys!! Patampal namaaaan!!!! So ang first move na ginawa ni guy, ang pumunta sa pamilya nung babae, inayos nya sarili nya don, at ako iniwan sa ere, ni ha ni ho. Blocked nya ko sa lahat. Grabe no. Parang hangin at basura lang na dumaan sa buhay nya. Then nalaman ko sa best friend nya, na yes he’s into me since 2008, at pang ilang beses nya ng cheat to sa long term relationship nya. WTF! How? How to overcome this sht?

Send me the best BW Tampal!

* indicates required