Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

Tara Inom, pag usapan natin ‘bat di matuloy tuloy ang ating pag mumove on. Gaano ba to kahirap gawin at kailangan pa natin ulit ulitin? Ulit ulitin yung mga salita at nagawa nung panahong tayo pa, nung panahon masaya ka pa sa ideyang may “tayong dalawa”. Gusto ko naman na talagang itigil ang namuo satin pero pano pipigilin, aawatin at ibabaling sa iba ang mga alaala natin na sa bawat gawin ko sa iba mukha, pigura at boses mo ang naririnig, na sa bawat lugar na daanan ko alaala natin ang dumadaan sa isip ko at pagmamahal padin sayo ang nananaig.

Pero mali padin palang ayain ka ng inom para makamove on. Diba’t sa unang tikim dun tayo nalasing? Hanggang sa nakalimutan na nating parehas tayong hindi fans ng alak, na hindi natin kayang kontrolin ang mangyayari at balak.

Sa unang tagay hindi ko alam na mapait ang sasapitin ko sa relasyong pinangarap ko. Gumuguhit sa bawat lunok ang mga salitang sinasabi mo na halos hatiin na ang buo kong pagkatao. Gusto ko ng itigil yung ikot ng baso sating dalawa, hanggang kelan ba aasa? Noong una’y ako na ang nagmamakaawa dahil hindi ko na kayang tumagay pa ng panibagong sakit at pagkabigo sa istoryang ating binuo pero habang tumatagal ang ating inuman, nasasanay ako sa timpla ng alak saking lalamunan habang ikaw naman ay bumibigay na, sabay sabing “ayoko na hindi ko na kaya”. Sinuka mo na ang akala ko’y titiisin mo hanggang umayos ang sitwasyon na meron tayo. Sumuko ka sa panahong umasa akong may magbabago. Sumuko ka sa ikot ng baso dahil sa relasyon nating magulo.

While you are busy reading this article, try mo rin makinig sa episode namin:


Send me the best BW Tampal!

* indicates required