Paalam na talaga
Categories Poetry

Paalam na talaga

Nakakatawang isipin at balikan
Ang mga alaala ng lumisan
Na gusto ko nang kalimutan
Pero bakit ? Kung anu pa ung dapat kong tandaan
Yun pa ang aking nakakalimutan
At kung ano pa ung dapat kong limutin
yun pa ang di ko makalimutan

Ang mundo ay sadyang kay lupit
Ang mga problema ay laging lumalapit
At sabay sabay kung humagupit
Pero dapat maging matatag at piliting kumapit

Yan Yung lagi kong iniisip.
Pero bakit mahal ? Anung nayari?
Akala ko ba ako Lang?
Akala ko ba tayo Lang?
Akala ko ba tayo na ?
Akala ko Lang pala.

Bakit mahal akoy iyong linisan
Bakit mahal akoy iyong pinabayaan
Na malunod sa iyak at kalungkutan
Bakit mahal akoy sinaktan

Bakit mahal pinaasa mo lang ako sa mga pangako
Pangako na napako
Pero heto parin ako
Heto parin ako ayaw Sumuko

Andaming tanong ang gusto kong masagot
Pero wala na akoy iniwan mo na
Alam kong nasa iba ka na
At alam kong masaya ka na

Kung masaya ka? masaya na rin ako para sayo
Wag kang mag-alala mahal hinde na ako galit sayo
Wag mag-alala mahal tanggap ko na hinde na tayo

Mahal salamat sa lahat kahit sa maikling panahon lang
Akoy iyong minahal at pinasaya
Kaya nga bilang ganti akoy dapat ng magparaya
Pagod na din ako, ayaw ko ng tumaya

Mahal eto lng masasabi ko sayo
Ang mga alaala natin dalawa ay hindi mawawala
Kaya mahal maingat ka
Sana sya na kase akoy iniwan mo dahil sa kanya
Alam kong mahal na Mahal mo sya
kaya wag magalala
d na ko mangungulit pa
Paalam na
Palam na talaga.