Paano magmove on?
Categories Move On

Paano magmove on?

Para to sa mga taong minsan ng nasaktan dahil sa pag-ibig. Pag-ibig na hindi kalooban ng Diyos.

Maraming tao ang nasasaktan dahil sa maling pag-ibig at isa na ako dun. 😊
Isa sa pinaka common ngayon lalo na sa mga kabataan ay ang “short lived relationship” o yung panandaliang relasyon. Relasyon na minadali kaya madalas ay nauuwi lang sa hiwalayan.

Galing ako sa relasyon na kung saan akala ko yun na. Siya na. Pangforever na. Pero akala ko lang pala yun.
Naniniwala ako na kapag ang relasyon ay hindi naaayon sa kalooban ng Diyos, magtatapos at magtatapos ito.

Marami ang nagtatanong kung paano ko napagtagumpayan ang “heartbreak” na idinulot ng hiwalayan. Marami ang nanghinayang sa pitong taon pero mas nakakapanghinayang kung masasayang pa ang mga susunod na taon sa maling relasyon.

Ito ang ilan sa mga pamamaraan na ginawa at sinunod ko para bumuti ang aking pakiramdam pagkatapos ng “break up”. I hope makatulong din sa inyo.

1. Tanggapin na wala na.
Tapos na. Iiyak mo lang. Pero bigyan mo ng deadline ang sarili mo kung hanggang kailan ka lang iiyak at magmumukmok. Hindi ka pwedeng manatili sa posisyon na sobrang sakit at iyak ka na lang ng iyak samantalang siya masaya na. Wag kang papayag. Gawin mo ang lahat para makabangon. Normal ang umiyak at masaktan pero ang patagalin ito ay hindi normal.

2. Madalas na pananalangin.
Kausapin mo ang Diyos. Lagi lang Siyang naghihintay sayo. Ikwento mo sa Kanya lahat ng nararamdaman mo at mangungusap Siya sayo. Tandaan mo, malapit ang Diyos sa mga broken hearted.

3. Magsimba.
Malaking tulong ang pakikipagfellowship sa mga kapatid natin sa Diyos. Lumalakas ang loob natin pag alam nating maraming tao ang nakaagapay satin at nananalangin para satin.

4. Maglaan ng oras sa pamilya at kaibigan.
Ito ang oras para makabawi sa pamilya at mga kaibigan na di natin nakakasama nung mga panahon na nakafocus tayo sa taong naging karelasyon natin. Pamilya at kaibigan ang magtatanggol at magpapalakas ng loob natin. Wag kang lalayo sa kanila.

5. Maglaan ng oras para sa sarili.
Mag-ayos ka. Lumabas ka. Wag kang magmukmok dahil marami pang exciting na bagay ang pwedeng mangyari sa buhay mo. Ito ang time na masarap paunlarin ang sarili kasi motivated ka.

6. Maghanap ng pagkakaabalahan, hobby or even business para maiwasan ang magself pity at mag-isip ng negative.

7. Stay positive.
Isipin mo lang na mahal ka ng Diyos at may nakalaan Siyang magandang plano sa buhay mo. Tandaan mo na ang love story mo ay nakasulat na. Ginawa na ni Lord yan. Hinihintay na lang Niya ang tamang panahon para ibigay sayo yun. Gusto Niya maenjoy mo muna ang sarili mo at ayusin mo muna ito.

Dinidiscourage ko ang agad makipagligawan sa iba after the break up. No to rebound relationship. Ipahinga mo muna ang puso mo. Ayusin mo muna ang buhay mo kasama ang Diyos. Ang tunay na kaligayahan ay di makikita sa ibang tao o materyal na bagay. Hanapin mo ito within yourself. Kilalanin mo ang sarili mo.

Lagi mong tatandaan na ang tunay na pag-ibig ay galing sa Diyos. Real love is initiated by God. Matuto tayong maghintay at magpray para hindi na ulit masaktan. ❤