Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

November 6, 2018 8:25 AM

Day 5 of final break up
Day 2 of not talking to each other.

I still miss her. Pag gising ko every morning, may little hope pa rin sa akin na makikita ko sa notifications ko name mo but I have to stop wishing and hoping for it. It’s not helping me. It’s not making me move forward.

While you are busy reading this article, try mo rin makinig sa episode namin:


Yeah. I still love you pero this time I knew na wala ng balikan. Nung time pa lang na sinabi mong hindi ka na masaya dun pa lang alam ko ng final na to. I cannot force myself to you anymore, na kahit anong effort ko pa, wala na pala sayo.

Ramdam ko naman matagal na hindi ka na masaya. Sumagi rin sa isip ko na baka nagiging interesado ka na sa iba kasi malamig ka na. Hindi ka na gaya ng dati.  Yung version mo nung 2014 nawala na ng tuluyan.

Nagreply ka sa IG story ko last Sunday. Ganun pa rin effect mo sa akin, napapangiti mo pa rin ako. Nagusap tayo saglit at napagdesisyunan mo na last time mo na yun na magpaparamdam sa akin. Ako naman sinabi ko na “I will let you go now.” kahit sobrang sakit pero baka ito yung tamang gawin. Tatlong beses na rin naman na tayong naghiwalay hindi na bago sa atin ito.  Only this time, totoo na talaga. 

Sa ngayon, di ko pa rin gets lahat lahat. madilim pa rin isipan ko, broken, shattered to thousands pieces yung puso ko kasi iniwan mo na ko pero alam ko someday, one day dadating yung araw na pag nagrinig ko yung pangalan mo or pag may nabalitaan about you, ngingiti na lang ako at maluwag na kalooban ko. 

Someday this will all make sense. 

Send me the best BW Tampal!

* indicates required