Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

May mga bagay sa mundo na kailangan mong bitawan hindi dahil sa duwag ka para patuloy mo pa ‘tong panghawakan kundi kailangan mong bitawan para sa iyong kalayaan. Masasabi mo bang duwag ako kung pinili kong hindi lumaban? Hindi ko lumaban kasi alam ko naman na sa dulo ako ang talunan. Pinili kong sumugal kahit na alam kong ikaw mismo ay walang pantaya dahil hindi mo man sabihin alam ko sa puso ko mahal mo pa rin sya at ako ay panakip butas lang.

 Rebound. Pero kahit ata ang salitang rebound hindi applicable para ilarawan kung ano ba talaga ang meron tayo. Ako ang nagsilbing unan mo at panyo sa mga panahong wasak ka at durog. Ako yung taong kahit abutin tayo ng madaling araw at kahit sobra ng antok ay tiniis ko pakinggan lang ang mga hinaing mo. Ako yung taong inuna ka sa lahat ng bagay para masamahan ka sa lahat ng gusto mo. Ako yung taong halos makalimutan ng mahalin ang sarili para lang maibigay ang pagmamahal na gusto mo.

Pero alam ko na ang pagmamahal ko ay hindi sapat. Na ako ay kahit kailan ay hindi mo kailangan. Masakit man pero ako lang kasi yung taong available kapag ikaw ay nangangailangan. Kumbaga sa pagkain ako lang yung nakahain at no choice ka na lang.

While you are busy reading this article, try mo rin makinig sa episode namin:


Sa mga pasweet mo, at sa bawat pagtawag mo na baby, miss na kita. Nahulog ako. Pokmaru eh. At ikaw naman sinamantala mo ang pagkamarupok ko. Gusto kong magalit sayo dahil ngayon ako kinalimutan mo. Bakit? Ayy oo nga pala dahil andyan na siya. Ang taong kailangan mo. Ang taong mahal mo.

Umiwas ako. Lumayo. Pero heto lalapit ulit at sasabihing kailangan mo ako. Kailangan mo para maging sandalan pero naisip mo ba na ang unfair mo? Sobrang sakit na. Pero mas nangingibabaw pa rin ang damdamin ko para sayo. Hanggang sa maging okay kayo at kakalimutan mo na naman ako.

Ilang beses na bang naging ganito ang takbo? Babalik. Aalis. Babalik. Aalis. Hanggang sa makasanayan ko na at mabuhay sa sakit. Hanggang sa mamanhid. Pero salamat dahil sayo natutunan kong mahalin ang sarili ko. Natutunan kong makita ang tunay kong halaga. Kaya ngayon sa iyong pagbalik sabihin mo na na gusto mo pa… Ayoko na…

 

– Corinthian ­čĺĽ

 

Send me the best BW Tampal!

* indicates required