Current Article:

Paano matanggap na hindi sya ang “The One”?

Paano matanggap na hindi sya ang “The One”?
Categories Move On

Paano matanggap na hindi sya ang “The One”?

Mahirap talaga mag move on lalo na kapag lagi mong iniisip na sya na ang “Da One”, kapag naplano mo na yung venue ng kasal nyo, ilan magiging anak nyo, mga pangalan nila, pero wala pa namang ‘kayo’. Malabo. Bukod sa di sya umaamin, wala syang balak umamin kasi wala naman talaga syang nararamdaman for you, ikaw lang tong asa ng asa. Don’t worry, kaya ko nasasabi ang lahat ng ito kasi I’ve been through it. Name it. Umasa sa isang taong never ka namang napansin. Na-fall sa bestfriend. Mabilis mahulog dahil lang mabait sya sayo. Masyadong over thinker na kapag maeffort sya sa mga bagay, akala mo gusto ka na nya, na kapag chinecheck ka nya, kung kamusta araw mo, kung kumain ka na ba, e akala mo jowa mo na.
Then after ng lahat, bigla mo na lang makikita na may kasama syang iba. Na mas maeffort sya sa iba, Na may mahal syang iba. Then ikaw, iiyak sa isang sulok kasi hindi mo pwede ipakitang nasasaktan ka, kasi in the first place, wala ka namang karapatan. Tapos andaming tumatakbong tanong sa isip mo. “Bakit hindi kaya ako? Bakit hindi na lang ako? May kulang ba sakin? Lagi na lang bang ganito?”
Sa lahat ng nararamdaman mo ngayon na napagdaanan ko noon, gusto ko lang sabihin sayo na makakabangon ka rin. Maaring sa iba, wala kang rights mag-move on kasi in the first place hindi ka naman officially pumasok sa isang relationship pero don’t mind them. Emosyon mo yan at ikaw ang nakakaramdam nyan, kung sa tingin mo, nag invest ka ng feelings para sa isang tao, tapos bigla wala pala, hindi pala ikaw ang gusto nyang paginvestan ng feelings nya, then ibigay mo sa sarili mo ang proseso, proseso ng paghe-heal, pag iyak, Be in that pain. Pero kapag sinabing ‘be in that pain’ dapat may certain timeline lang ha, kahit feel mong meron pang konting sakit, try mo pa ring bumangon, paunti- unti, until mapunta ka sa day na wala na yung sakit. Wala na yung moment na bigla ka na lang maluluha pag naalala mo sya.
Sa dami na ng intro ko, pumunta na tayo sa topic, Paano nga ba matatanggap na hindi sya ang ‘The One’? Paano nga ba matanggap na hindi sya yung will para sayo? Gumawa ako ng maikling listahan na sana makatulong 😊
1. Ipag-pray mo ang puso mo.– Aminin mo, minsan pag nagpre-pray tayo to find yung “The Right One” natin, minsan hindi “Lord, sya na ba?”, “Is he/she your will for me?” minsan kasi we are telling the Lord na “Lord, kung hindi sya, sana sya na”. Nakakatawa diba? Pero totoo, minsan kasi kaya hindi natin natatanggap na hindi sya yung ‘The One’, kasi nagpapabulag tayo sa sarili nating signs, sa sarili nating standards, sa sarili nating expectations kung ano dapat yung maging laman ng love story natin. The Lord orchestrates everything, magtiwala tayo sa will nya and someday, ibibigay nya yung tao na hinihintay mo when both of you are ready for each other. (at kapag marunong ka nang maghugas ng pinggan haha joke)

2. Focus on “The One” – bago mo mahanap si “The Right One”, mas okay kung mag focus ka muna kay “The One”. Focus on the Lord. Use your talents/skills na binigay nya to serve Him.

3. Try to list down yung mga pwede mo pang iimprove sa sarili mo. – Baka naman kasi, you’re not ready pa talaga.Di

 ka pa emotionally ready. Masyado pa mainitin ulo mo sa mga maliliit na bagay. Need mo pang aralin kung paano pa mas magiging mahinahon or hindi agad mafrustrate sa mga bagay- bagay.

Di ka pa financially ready. Yung pera mo, sakto lang sa pangpa-load ng router mo para sa online class. Or di ka pa masyadong marunong magbudget. Pag sweldo, milk tea agad. (hayss, okay lang yan, I feel you haha)

Di ka pa Spiritually ready. Mas maganda siguro kapag mas makikilala muna natin ng mas malalim si Lord before entering a relationship.

Di ka pa rin physically ready. Importante na healthy ka and yung tipong confident ka na sa sarili mo. Tanggap mo yung mga wala at meron ka. Di mo kailangang maging pinaka maganda or pinakagwapo para mapansin ka. You just need to be at your best 😊. (Ipambili mo na muna ng vitamins yung budget mo for chocolates and roses or sa paggawa ng explosion box na may pictures haha)

4. Pag narealize mo na, na may taong para sayo, yung naghihintay sayo. Hintay lang 😊. May para sayo 😊. Yung taong hindi mo kailangang laging pinagpipilitan ang sarili mo. Yung taong hindi ka lang isang option but you are his or her choice. Masarap sa pakiramdam na nakikita ng isang taong yung right value mo sa buhay nya, hindi lang dahil sa pinagpipilitan mo.

5. Isipin mo na “You’re worth it”. – Sa tamang tao, hindi ka lang enough, sobra sobra ka pa. Balang-araw, ipagpapasalamat mo na hindi sya yung “The One” kapag nahanap mo na talaga yung taong nilaan ni Lord sayo para maging “Right One” 😊.

Hindi kita pipilitin kung hindi mo pa kayang bumangon ngayon, Damhin mo yang process. Hindi yan magiging madali, pero hindi naman ibig sabihin nun ay hindi mo makakaya. Kaya mo yan. Remember na You are not alone. Nandyan si Lord para tulungan ka sa mga burden ng puso mo. We just need to trust and Have Faith on Him. Kasi sabi nga nila, There’s a purpose in everything 😊
Yun lang. Love you 💖 (ako na lang magsasabi nyan, wag mo ng hintayin na sya ang magsabi sayo, sinabi nya na yan sa iba 😅✌️haha sorry na, labyuuu😘)