Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

May mga tao tayong nakikilala at ipinapahiram sa atin ng tadhana upang may matutunan tayo sa buhay. Mga taong madalas ma-mahalin natin ng lubos ngunit hindi sa atin itinadhana, mga taong ipagla-laban natin ngunit ang tadhana mismo ang nagsa-sabing hindi.

Minsan naman may mga taong dadaan sa buhay natin upang tayo’y mas magiging matatag. Kadalasan, isu-sugal mo yung buong ikaw ngunit sa huli puro sakit lamang ang iyong makakamtan. Masakit, madami kang matututunan. Ngunit kapag nahanap mo ang sarili mo, mas minahal mo ang sarili mo at nakilala mo ang Panginoon pagkatapos ng masalimuot na trahedya sa puso mo, nanalo ka nun.

Huwag mong labanan ang tadhana, may mga tao at bagay na nakalaan na para sa iyo. Nakalaan na para sa iyo bago mo pa hilingin, naisulat na ang mga taong makakasama mo. Kung nasasaktan ka man ngayon, parte yan ng kwento mo upang mas maging handa ka pagdating ng tamang panahon.

Balang araw maiintindihan mo kung bakit mo nararanasan ang sakit. Maaring hindi ito ang tamang oras, o hindi siya ang tamang tao. Tandaan mo, araw-araw kang pinipili ng Panginoon at may nilaan din siya para sa iyo na hindi mapa-pagod sa iyo at araw-araw kang pipiliin!

Love,

Aevillafranca