Pag bilang ng sampu
Categories Poetry

Pag bilang ng sampu

Ipikit mo ang iyong mata
Sabay tayong aasa
Sa pag dilat ng iyong mga mata
Pagbilang agad mag uumpisa

Isa, dalawa, siya parin ba?
Utak mo’y nkalimot na
Puso mo’y kumokontra
Ano ba talaga?

Tatlo, apat, hindi ito nararapat
Nakalimot ka na dapat
Wala kana dapat iniiyakan
Burado na dapat ang lahat

Lima, anim, pito mag sabi ka ng totoo
Alam kong ika’y lubhang nalilito
Gusto man aminin ng puso
Ngunit pinipigilan ito ng utak

Walo, walang hanggan, simbolo sa pangako
Pangako, na matagal na palang nakapako
Teka, saglit lang,diba wala nang kayo

Siyam, huwag na sanag mag paramdam
Tungkol sakanya dapat wala ka nang alam
Hindi mo na dapat ito dinaramdam
Mawawalan ka din ng pakielam

Sampu, dito na nag wawakas ang mga alaala
Sari-saring mga alaala na ayaw mo na maalala
Mag tiwala ka lang, lahat yan mabubura
Kasama ng salitang wala naman “kayo” talaga

  1.  Nung bata ka, ang pag bibilang ay masaya
    Yung tipong aalalayan ka pa
    Bakit ngayon,Masakit na?
    Dahil sa pag bilang ng sampu, wala na sya.