Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

Pag-ibg? Ano nga ba ang pag-ibig?
Kailangan bang masaktan?
Kailangan bang umiyak ng lubusan?
Upang pag-ibig ay maintndhan?

Ginagawa ko naman ang lahat
Pero bakit para sayo di parin sapat
Ano ba ang nararapat
Para sayo’y maging sapat

Di ko mapagtanto
Panibugho nitong mundo
Puso’t isipan ay nahihilo
Ano bang susundin ko

While you are busy reading this article, try mo rin makinig sa episode namin:


Ang makapiling kaba?
Ngunit ang iba ay di masaya
O ako’y lalayo sayo?
Na siyang dudurog sa puso ko

Di ko maipaliwanag
Kung ako ba ay naduduwag
O sadyang sumusunod lang sa salitang “huwag”

Muli sinisinta ko
Nais kong sabihin sayong “mahal kita”
Sa oras na ito’y paalam muna
Darating ang araw sa ating dalawa
Na tayo ay magsasama
Magpapakasaya hanggang magsawa

Send me the best BW Tampal!

* indicates required