Pagod ka na ba?

There will be times sa buhay natin, na parang ang labo na ng lahat yung parang napaka-hopeless na ng situation. Yung di mo alam if ano yung magiging reason mo to keep walking and going. Jan na nagsisimula yung tatanungin mo sarili mo, magdodoubt ka sa sarili mong kakayahan, kasii lagi mo tintignan yung mga naachieve ng mga tao sa paligid mo, anjan na yung magiging manhid ka nalang sa mga tao, kasi pagod ka na umintindi and pagod ka na di mo maramdaman yung worth mo. Anjan na yung nawawalan ka na ng gana sa mga bagay na gusto mo, kasi pakiramdam mo wala ng dahilan para ipagpatuloy yung passion mo na yun. Anjan na yung kapag may dumadating na problema, nagsisimula ka na naman tanungin sarili mo if san ka nagkulang, bakit kailangan sayo pa or sisihin sa ibang tao. Anjan na yung pipiliin nalang natin maging ma-pride, kasi pakiramdam natin kaya natin lahat.

Hirap no? Yes kasi may pakiramdam tayo. Pero kung iisipin natin ang hirap pala talaga natin mahalin.

BUT, THANK YOU LORD FOR LOVING US! Sa mga panahon na nagdodoubt kami sa sarili namin, minomold mo kami sa identity namin sayo. Sa mga panahon na tingin mo napaka-hopeless na ng sitwasyon, gumagalaw ang Lord sa buhay mo kahit sa pinakamaliit pa na bagay yan. Sa mga panahon na nakakapagod tayong mahalin, patuloy pa rin niya tayong minamahal. Sa mga panahong tayo mismo sukong suko na sa sarili natin, lagi niya tayo binibigyan ng lakas at dahilan para lumaban. Sa mga panahon na basag tayo, pinupunan niya lahat ng nawala satin,lahat ng kulang satin.

Wag mo lang tignan yung sarili mo. Tignan mo rin kung paano binago ng Lord yung puso mo, kung paano mo siya naranasan sa buhay mo. Kaya wag mo hayaan na mundo ang magdikta sayo, wag mo hayaan na yung nababasa mo sa social media yung magsasabi kung sino at ano ka. Hayaan mo na si Lord mismo magsalita para sayo.

By Nicole

Hi I am Nics! 😊 thank you for reading my post. I hope may help you and like it! Godbless.

Exit mobile version