Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

Sa tuwing nakikita kita pakiramdam ko’y gumagaan na. Sa tuwing tumitingin ka sa aking mga mata, hindi mapigil ang aking pag ngiti na abot hanggang tenga. Sa tuwing magkahawak ang ating mga kamay para bang lahat ng problema ay kaya nating harapin ng sabay. Ngunit hindi pala…

Patawarin mo ako kung pinatigil ko ang panliligaw mo, ayokong mahulog ka sa katulad ko na wala ng maipagmamalaki sayo. Patawarin mo ako kung hindi ko nagawang panindigan, ang mga salitang aking binitawan. Patawarin mo ako. Patawarin mo ako sa mga pananakit ko sa tuwing nakikita mong lumuluha ako. Patawarin mo ako sa pagiging duwag para ipaglaban ang kung ano mang meron tayo.

Patawad kung pinili kong ilayo ka, dahil sinta hindi pa ako tapos magmahal ng iba. Ayokong masaktan kita dahil hindi ko yun kaya. Ayokong makitang lumuluha yung taong sakin ay nagpapasaya. Ayokong marinig ang mga hikbi ng iyong pagdurusa sapagka’t mas nadudurog ako sinta. Balang araw sana’y maintindihan at matanggap mo lahat ng ito. Hindi na ako umaasang babalik kung anong meron tayo. Hangad ko ang kasiyahan mo. Mapalad ang babaeng susunod na mamahalin mo.

While you are busy reading this article, try mo rin makinig sa episode namin:


Send me the best BW Tampal!

* indicates required