Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

Halos sampung buwang puro kalungkutan

Na tila ba iniwan na rin ako ng kasiyahan

Nung gabing napagpasiyahan mong bumitaw,

While you are busy reading this article, try mo rin makinig sa episode namin:


Bumitaw sa ating dalawa

 

Sampung buwang nag isip

Kung saan ba ako nagkamali

Hindi ko ba nabigay ang lahat?

Hindi ko ba napadama na mahal kita?

 

Hindi ko lubos maisip

Kung paano ako babangon ulit

O kung magiging masaya pang muli

Ngayong hindi na kita kapiling

 

Pero ngayon ay tanggap ko na

Hindi talaga tayo para sa isa’t isa

Kaya ngayon ay masasabi ko na

Na kaya ko na ng walang ikaw

 

Salamat sa dalawang buwan na pagsasama

Lahat ng ala ala’y di ko malilimutan

Pero kailangan ko nang kalimutan

Na ikaw at ako ay baka pwede pa

 

Ako na lang naman ang nakakapit

Umaasang baka maibabalik

Pero ngayon ay tanggap ko na

Kaya bibitawan na kita

 

 

Sarili ko naman ang aalagaan at pasasayahin ko

Dahil napabayaan ko na nung humahabol ako sayo

Bakit pa ako babalik sayo

Kung maaaring mawasak na naman ako

 

Sana maging matagumpay ka sa daang tatahakin mo

Kasama ka lagi sa panalangin ko

Magpapakalayo layo muna ako sa ngayon

Upang mabuo ko naman ang sarili ko

 

 

 

 

 

 

 

Send me the best BW Tampal!

* indicates required