Sa tuwing kaharap kita at ipipikit ko ang aking mga mata,

minsan ayoko na sila imulat

dahil natatakot akong makitang hindi ka sa akin nakatingin.

Natatakot akong malaman na kahit isang beses

ay hindi ka manlang tumingin;

na kahit isang beses

ay hindi mo manlang ako nakita.