Sa pagkulimlim ng mga ulap at pagpatak ng ulan
Palagi kong nasisilayan masaya nating kwentuhan
Kung paano natin baliwalain ang mga nakapaligid saatin
At kung paano natin hayaan na liparin tayo ng hangin
Maibabalik pa kaya ang mga panahong iyon?
Na kung saan ikaw at ako ay pwede pang naging tayo
Pwede pa bang ibalik?
Maaari bang uulitin na lang ulit

Dahil oo aaminin ko hinahangad ko na sana kagaya parin ng dati
Na sana pwede pa, na sana ako nalang ulit
Pero huwag kang mangamba, dahil hindi na kita guguluhin
Dahil di ka man mawala sa aking isip ay pilit kitang lilimutin
Paalam na aking mahal, at hanggang dito nalang
Paalam na, malilimutan din kita