Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

Salamat..
Salamat sa iyong oras
Salamat sa lahat

Ako’y naging bulag sa hangin, tila alipin sa ‘yong mga bisig
Hinagkan ko ang larawang ako lang ang gumuhit

Ngunit umihip na ang hangin, at ako’y ginising
Kasama ang pahina, ngayo’y isasara na

While you are busy reading this article, try mo rin makinig sa episode namin:


Salamat kay Bathala
Ako’y malaya na
Malaya, sa’king maling akala
Ngayo’y natanaw ko na ang isang larawang..

Sariling bisig ang aking yakap
Tanging mata ko lang ang sayo’y nakasulyap

Ngayo’y may ngiti na sa aking labi, si Bathala ang sanhi
Dalangin ko’y sayo rin ang ngiti na Siya ang sanhi

Dahil sa bawat sandali, tunay man o kathang isip, ikaw sa aki’y nagbigay ngiti
Kaya’t sa aking pagsara ng pahina,
Paalam. Salamat.

PAHINA

Send me the best BW Tampal!

* indicates required