Lumaya ka na sa mga “what-ifs” mo sa kanya.
Na “what if” magparamdam ulit siya, o mangamusta?
“What if” may chance pa, hindi lang talaga good yung timing sa ngayon?
“What if” hinihintay lang pala niya akong mangamusta?
“What if” bumalik siya?
Simula nang iwan ka niya, dapat pati “what-ifs” mo putulin mo na.
Huwag mo nang ikulong ang sarali mo sa mga “what if” na dapat i-let go na.
Habang pinatatagal mo yan sa utak mo, nawawalan ka ng time para sa sarili mo.
Na siya, nagawa niyang mag patuloy at sumaya, pero ikaw nalugmok sa pag hihintay sa kanya.
Lumaya ka na sa ilusion na baka bumalik pa siya.
Alam kong mahirap.
Alam kong masakit.
Alam kong hindi madali mag move forward lalo na at mahal mo talaga.
Kung siya talaga ang para sa’yo, hayaan mong tadhana ang magbalik sa inyo noon.
Huwag mong hintayan, bagkus piliin mo ang kapakanan mo. Talo ka kapag wala kang ginawang progress sa sarili mo.
Pwede din kasing what if wala na nga talaga? Hahayaan mo bang umikot ang mundo mo sa bagay na wala na?
Kasi kung siya ang tamang tao para sa’yo hindi ka na sana nagkakaroon ng napakadaming “what-if” ngayon.
Kung siya talaga yung para sa’yo, hindi ka sana nasasaktan, at naguguluhan kung ano nga ba ang pakiramdam ng umibig, at ibigin.
Totoo, na kapag nagmahal ka, hindi naman laging masaya.
Darating sa punto na may sakit kang madarama.
Pero kung tamang tao ang kapiling mo, kahit pa may pinagdadaanan kayong problema, hindi solusyon ang pang-iiwan.
Mangingibabaw ang pang-unawa, at pag mamahal.
Mangingibabaw ang pagpili niyo sa isa’t isa araw araw.
Kung tamang tao talaga siya para sa’yo, may acceptance, peace, security, at love kang mararamdaman.
Kung sa una palang wala o hindi mo naramdaman yan baka hindi nga talaga.
Kaya imbes na mag hintay ka sa kanya, piliin mo ang lumaya na.
Huwag mong hintayin na siya buo na, tapos ikaw wasak parin at ubos na.
Tignan mo ang sarili mo, at ang iyong halaga.
Dahil kahit ano pa ang nangyari sa’yo, sa mata ng Diyos at mga importanteng taong nakapaligid sa’yo, kamahal-mahal ka.
Palayain mo na ang nararamdaman mo para sa sarili mo.
Palayain mo na ang nararamdaman mo para sa mga nagmamahal sa’yo.
Palayain mo na ang nararamdaman mo para daan sa tamang tao.
Lumaya ka na kasi deserve mong mahalin ng walang paligoy-ligoy.
Lumaya ka na kasi deserve mo yung mga opportunity na nag-iintay sa’yo.
Lumaya ka na kasi deserve mong maging masaya.
Piliin mo lagi ang sarili mo.
This time bigyan mo ng pabor ang sarili mo.
Alam kong hindi madaling bumangon pero alam kong kapag sinimulan mo, makakaya mo dahil kasama mo ang Diyos sa proseso na ito.
Huminga nang malalim, at ibigay mo na sa Diyos ang lahat.
Unti-unti mong ibalik ang sarili mo sa mga bagay na nararapat.
Humingi ng lakas at gabay lagi sa Panginoon.
Sa tamang panahon, darating ang tamang tao na nilaan ng Diyos para sa’yo.
Photo by averie woodard on Unsplash