Matagal nang panahon relasyon nating dalawa ay natapos na.Nagkanya-kanya,dumistansya sa isa’t-isa.
Naging busy ako sa trabaho,walang paki alam kung kanino.Dahil sa isip ko ayaw na ulit mag mahal ng todo.
Minsan,na alala ko yung mga panahon na mahal na mahal ang isa’t -isa.Buong magdamag na kwentuhan,walang humpay na tawanan.Paggising sa umaga masaya na dahil message mo yung unang nakita.
Nakakamiss yung lambing mo,yung yakap at paghalik mo na parang bang tumitigil ang mundo ko pag magkasama tayo.Feeling ko safe na safe ako sayo.Natatawa ako pag masakit paa ko dahil mina masahe mo,pag payong mo dahil alam mo minsan may pag ka maarte ako para nga prinsesa ako sayo.
At pag tumitig ka na,yung ngiti mo yan yung di ko makita sa iba.Bakit habang sinusulat ko ito biglang may bumalot?Binalot ng lungkot At pang hihinayang.Parang gusto ko ibalik ang nakaraan.
Hanggang isang araw,may natanggap akong mensahe,di ko na mamalayan may miscalls na rin.Nang aking binasa di ko alam ang madarama halo -halong emosyon,Di maipinta ng panahon.Matutuwa ka ba?Matatakot ka?
Sa sampung taon walang komunikasyon ito ka’t nagtatanung”Kamusta ka na”?Yung number mo pala pinahingi ko kay mama.
Hanggang nagkwento ka na,araw-araw ang iyong mensahe at panay tawag sa gabi.Lumipas ang araw,linggo at buwan.
Inimbita mo akong muli sa inyong tahanan.Kahit pamilya mo excited akong masilayan.Kulang na nga lang satin dati ay kasalan.
Habang kumakain pinggan natin ay iisa nakatitig sa aking mga mata matamis mong ngiti nasilayang muli.Yung oras na yun gusto kitang mahalin muli.
Naging seryuso ang usapan,Nagtanong ka,na alala mo pa ba yung “Pangako”.?
Alam mo sa tagal tagal ng panahon.Hindi ako nagmahal ng iba naging busy din ako sa trabaho tulad mo.Nag ipon para sa future dahil alam ko magkikita pa tayo .Ngayon masasabi ko handa na ko bumuo ng pamilya.
Ano tanda mo pa ba yung pinangako ko sayo?Ako’y napatigil,dila ay napigil parang nag slowmo sa eksena ng pelikula.Sabay sagot ng OO,tanda ko pa.Sabay sabing Pede ba payakap Miss?Pwede ba kitang mahalin ulit?Hindi na tayo mag hihiwalay,Wala nang mang-iiwan.”PANGAKO”.