Pangarap nga lang ba?

Naalala kita sa kanta ni parokya ni edgar na Pangarap lang kita.

Nakita kita sa tagpuan ni Bathala
Noong Disyembre 2014.. doon ikaw ay taos pusong umaawit ng awitin para sa Diyos.

Isang araw habang nag aantay sa simbahan, ipinakilala ka sakin ng kaibigan ko. Mukha naman di ka suplado at palakaibigan ka. Puting t shirt at maong pants. Ang gwapo mo tignan. At dahil di pa ako maayos manamit naisip ko pangarap lang kita.

Tinignan ko ng palihim ang fb mo
Marami kang gawain at mukhang masaya ka sa buhay. Ang saya mo sigurong maging kaibigan. Pero isang araw nakita ko nagpalit ka ng status .. sinagot ka na pala ng nililigawan mo at kahit parang kinurot ang puso ko naisip ko pangarap lang pala kita. Inaliw ko ang sarili ko hinayaan magpaligaw sa iba. Matapos ang 2 taon naisip ko bisitan ang fb mo. Ayun nakita ko single ka na.. wala na pala kayo sabi din ng kaibigan ko. Wala rin napuntahan ang pakikipagdate ko sa iba. Magkahalong lungkot at saya naramdaman ko kasi may kaunting pag asa na maging tayo.

Pero naisip ko marami pa aayusin sa buhay ko si Lord kaya baka hanggang pangarap lang kita.

Unti unti ko ng minamahal ang Diyos.. pero kahit sa araw araw na nagdarasal ako hindi ko pinagdasal na maging tayo
Bakit? Kasi ayaw ko pangunahan ang Diyos. Baka hindi ako para sayo at hindi ka para sa akin at baka hanggang pangarap lang kita. Ipinagkatiwala ko lang ang istorya ng buhay pag ibig ko sa Diyos kasi alam ko may magandang plano sya. Parati ako nanalangin na tanggalin ka na sa isip ko baka kasi masaktan lang ako kasi baka may mas mainam pa na nakalaan sakin kaysa sa pinapangarap ko. At kung isang araw mag krus ang landas natin, at maging tayo hayaan mo magdidiwang ako ng husto kasi ipinagkaloob Niya ang pangarap ko.

Exit mobile version