pag-gising sa umaga mukha mo ang nakikita pagharap sa salamin bakit ikaw ang naaalala? isang taon ang lumipas mula ng ika'y makilala umayon ba kay tadhana na ikaw ngayon ay kasama mapalapit sa iyo hindi inakala wari ko'y isa kang pangarap nagulat akong andito ka sa aking harap hindi masabi anu itong kiliti loob ko'y nagbubunyi sa pagkakataon masilayan iyong ngiti ikaw nga yata ay isang panaginip nagbukas, nagliwanag, kumislap... sa anim na taon pagkakahimlay akala ko'y hindi na mahahagilap kay tagal kang hinintay nabatid ang bagay, malamang lingid sa iba kasama ka magdamag sa ilalim ng tala dagundong ng mundo, tahimik sa iyong pagtulog inaamin ko ako nga'y tuluyang nahulog paglipas ng araw, ikaw ay hangad makipot kong labi, ikaw laging sabat araw ko'y lumiwanag, pagkagusto ko'y sagad may nagsabi huwag daw madala sa agod ng iyong salita, ramdam ko ika'y abala mahirap ipaliwanag ngunit mundo'y umikot sa ating dalawa isa kang magandang alala gabi at araw, ikaw ang pampagana kailan kaya kita muling makikita? pagka't ako'y lagi ng tulala sa pagkakatulog wag na sana magising dahil sa himlay lagi kang kapiling ako yata iyo ng inalipin ako rin ba laman ng iyong panaginip?
Current Article: