Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

pag-gising sa umaga
mukha mo ang nakikita
pagharap sa salamin
bakit ikaw ang naaalala?

isang taon ang lumipas
mula ng ika'y makilala
umayon ba kay tadhana
na  ikaw ngayon ay kasama

mapalapit sa iyo 
hindi inakala
wari ko'y isa kang pangarap
nagulat akong andito ka sa aking harap

hindi masabi anu itong kiliti
loob ko'y nagbubunyi
sa pagkakataon masilayan iyong ngiti
ikaw nga yata ay isang panaginip

nagbukas, nagliwanag, kumislap...
sa anim na taon pagkakahimlay
akala ko'y hindi na mahahagilap
kay tagal kang hinintay

nabatid ang bagay, malamang lingid sa iba
kasama ka magdamag sa ilalim ng tala
dagundong ng mundo, tahimik sa iyong pagtulog
inaamin ko ako nga'y tuluyang nahulog

paglipas ng araw, ikaw ay hangad
makipot kong labi, ikaw laging sabat
araw ko'y lumiwanag, pagkagusto ko'y sagad

may nagsabi huwag daw madala
sa agod ng iyong salita, ramdam ko ika'y abala
mahirap ipaliwanag ngunit mundo'y umikot sa ating dalawa

isa kang magandang alala
gabi at araw, ikaw ang pampagana
kailan kaya kita muling makikita?
pagka't ako'y lagi ng tulala

sa pagkakatulog wag na sana magising
dahil sa himlay lagi kang kapiling
ako yata iyo ng inalipin
ako rin ba laman ng iyong panaginip?


Send me the best BW Tampal!

* indicates required