Current Article:

Para sa Babaeng Malayo ang Nararating

Para sa Babaeng Malayo ang Nararating
Categories Poetry

Para sa Babaeng Malayo ang Nararating

Para sa’yo na laging nakatalikod.

Hinaharap ang mundo, lumalakad pasulong. Nanalangin ako na sana sa parehong direksyon nating tinitingnan, sana nawa magpangabot tayo.

Sasamahan kita na harapin ang mundo, sabay tayong aakyat sa matayog nating pangarap, titingnan ang mga problema mula sa itaaas at magpapatuloy sa lakad.

Pagusapan natin ang mga napagdaanan, sabay nating itawa ang mga nakakaiyak at magdalamhati sa mga kasiyahang natatapos.

Di man kita masumpungan agad, maglalakbay pa rin ako, nagbabakasakali na sa pagharap mo ay makarating ako.

Saka natin harapin ng sabay ang mundo.