Para Sa Kanyang Minahal Ko Sana
Categories Relationships

Para Sa Kanyang Minahal Ko Sana

Bakit nga ba laging nasa huli ang pagsisisi?
Heto ako ngayon, mag isa, nalulungkot at nagmumuni muni
Bakit kaya noong una’y naging tanga at malabo ang mata
Ngayon ko lang napagtantong sayang pala, siya pala’y sobrang halaga


Naaalala ko pa ang dati, andyang balewalain kita at hindi man lang pansinin mga paghihirap mo sakin
Akala ko kasi’y walang hanggan ang iyong pagsinta, lungkot mo’y hindi ko pinansin
Bawat hikbi, mga patak ng luha sa iyong pisngi ay binalewala
Minahal mo ako ng sobra ngunit ako’y naging manhid, puso mo’y hinayaang nagdurusa


Lumipas ang panahon, landas natin ay nagkalayo
Masaya ka na ngayon, ako nama’y naiwang walang ginawa kundi magtanong
Bakit nga ba kung kelan huli na ang lahat ay tsaka  ko lamang mapagtatanto
Kung sana ay natuto akong makuntento, magpasalamat at magmahal ng totoo, sana hanggang ngayon, meron pa ring TAYO