Pareho ba tayo ng nararamdaman?
Categories Move On

Pareho ba tayo ng nararamdaman?

Yung tipong nakatingin ka sa kawalan at walang kagana-gana sa kahit na anong bagay.

Yung tipong wala kang ibang nararamdaman kundi ang mabilis na tibok ng iyong puso dahil ng sobrang puyat.

Yung tipong kahit anong isip mo umiikot ka lang sa pare-parehong mga tanong na naglalaro sa iyong isipan na “Bakit nya yun nagawa?, Bakit?, Bakit nya ako niloko?, Ano ang ginawa kong mali?”. Paulit-ulit mo yang nililitanya pero walang sumasagot at alam mong hindi mo alam ang kasagutan.

Yung tipong magang-maga ang iyong mga mata sa kakaiyak kahit hindi naman kayo namatayan ng kamag-anak. Ang tanging namatay ay ang PAG-ASA na sya ay muling makasama.

Sabi nga, kung ang dalawang nag-iibigan ay para sa isa’t-isa tadhana ang gagawa ng paraan upang kayo ay muling magtapo. Ngunit kung sakaling siya ba ay babalik, bitbit pa din ba nya ang naudlot nyang mga pangako? Ang pag-ibig ba ay muling manunumbalik?

Nasasaktan man tayo ngayon at hindi man natin alam ang kung bakit ito nangyayari.
Atin sanang sabayan ang pag-ikot ng oras tungo sa ating paggaling, alam kong masakit pero magiging ok din tayo.

Isipin natin na ito ay lilipas din tulad ng isang bagyo, huwag kang mag-alala may bahag-haring nag iintay sa ating muling pagngiti.