Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

Hi! Kamusta kana? Alam ko okay ka.

Sino bang hindi magiging okay kapag unti-unti ka ng nakakawala sa taong mahal mo nga pero sa bawat titig mo sa kanya hindi  mo na nararamdaman ang kilig; kundi kirot na lang sa dibdib.

Alam ko namang hindi mo ako kakamustahin. Pero ako? Eto, naguguluhan parin; sa kung paano mo nagawang magbitaw ng “I love you” eh, hindi mo na pala ako mahal.
Sa kung pa’no mo nagawang mag “I miss you” pero ayaw mo naman akong masilayan.
Sabi mo pa na mahal mo ako pero paglipas ng isang oras itutulak mo na naman ako palayo.
Pinaramdam mong ayaw mo  akong mawala, pero pagkalipas ng ilang minuto, kulang nalang isumpa mo ako.

While you are busy reading this article, try mo rin makinig sa episode namin:


Buti kapa, kaya mo ng gumising kahit wala akong presensya. Kaya mo ng ngumiti kahit hindi na ako ang dahilan
Ako? Kailangan ko munang lumuha bago makatulog sa gabi at pagkasapit ng umaga? Ayun, lumuluha bago makabangon.

Ngayon, unti-unti ng nagiging malinaw; na ako na lang ang nakakapit, samantalang ikaw ay nakabitiw na.
Ilang beses rin akong napagod sayo, pero hindi kita iniwan.

Ikaw? Napagod ka lang minsan; iniwan mo na ako ng tuluyan.

Send me the best BW Tampal!

* indicates required