Pinagtagpo pero hindi itinadhana. Saklap diba ? Isang malaking tanong, e bakit ko pa siya nakilala? Bakit nagawa niya pang magstay ng matagal? Bakit bawat araw na naging bahagi siya ng buhay ko ay ginawa niyang masaya…Di nakakalimot, walang palya … “Goodmorning mahal.” Kain na mahal”. “Kamusta araw mo?” “Miss na kita, mahal”
Ang dating masasayang ala-ala ng nakaraan ay nagdudulot ng sakit sa kasalukuyan… Minsan naiisip ko, pwede bang bumalik sa araw na di pa kita kilala. Ang sakit, ang hirap makalimot kung bawat tingin ko sa paligid, ikaw ang naaalala. Taksil ang luhang kumakawala sa aking mga mata. Sabihin ko man sa sarili “wag mong iyakan yun, di niya deserve luha mo” Wala pa rin. Patuloy pa rin sa pag-agos.
Sabi ng isang kaibigan “Acceptance is the key!” Sana nga lang madaling tanggapin. Sana mawala na sa isip ang salitang “hope”.. Umasa kasi ako sa salitang “tayo mula ngayon hanggang dulo”.
I’m looking forward that one day I’ll learn how to accept everything—-the fact that the people we know will eventually become the people we knew.. Some will stay and some will cross our paths to teach us a lesson.
Current Article: