Current Article:

Pinagtagpo Pero… Di Nga Ba Tinadhana?

Pinagtagpo Pero… Di Nga Ba Tinadhana?
Categories Waiting

Pinagtagpo Pero… Di Nga Ba Tinadhana?

Meeting you is unintentional.

Falling for you is unexpected.

Letting you go is unwanted.

Beyond grateful to God for meeting you. I consider us soulmate. Yes soulmate. For a quite moment we’ve spent together we’ve learned how to calm each other’s storm, each other’s soul. Nagkasundo sa maraming bagay at iba’t ibang opinyon sa buhay. Nalaman ko ang takot mo, nalaman mo ang takot ko.

Alam mo kung paano ihandle ang anxieties at mood swings ko na struggle para sa ibang tao. We’ve shared a lot about our lives, our daily routines, our journey and faith to God. Yung mga pangarap natin, yung goals natin, at yung priorities natin in life.

We indeed became closer to each other. From small talks down to deep conversations.

We became comfortable of each other. And there we fell, we got scared. Was shaken for a while. But you know what makes me like you more? Your honesty and your love for Him.

Na naremind tayo of our promises to God, na sarili muna natin, pamilya muna natin, priorities muna natin at promises to God muna natin. Hanga ako sayo, hanga ako na kahit andito na tayo sa sitwasyong pwede na nating piliin ang isa’t isa, pinili mo pa din ang tama. Na sundin ang pangako mo sa Panginoon. Na umiwas muna kasi hindi pa panahon.

I was overwhelmed by your heart reminding me na I should continue serving Him, having faith in Him, pray and never give up. You said you still want me to see preaching, sharing God’s words, at babaunin ko yan bilang paalala na may naniniwalang kaya ko, salamat.

But what I was not able to tell you is that I still want to see how you grow with God. Na was hoping na sana kasama ako sa journey mo na yun. Pero alam ko, maling ipilit.

Sabi mo proud ka sakin, pero mas proud ako sayo. Na kahit masakit para sa’tin pinili mo pa rin yung para sa Kanya.

Ang daming regrets, na sana mas nakapagbonding pa tayo, na sana ngayon mas nakikilala pa natin ang isa’t isa. Nililift up ko na lang kay Lord, na kung will Niya mangyayari din yun, in time.

Babae ako pero maghihintay ako. Maghihintay ako sa sagot ng Panginoon sa dalangin ko. Maghihintay ako sa will ni Lord para sa atin. Maghihintay ako sa pagbabalik mo, sana. Maghihintay ako sa panahong handa ka ng ipursue ako, sana. Maghihintay ako sa kung saan mang sitwasyon tayo dadalhin ng Panginoon.

Sa ngayon, habang naghihintay, sarili muna natin. Gaya ng lagi kong sinasabi, ‘Be victorious for Him’. Making His name known, letting other’s know na it’s not by our strength but by His na magiging matagumpay tayo.

Excited ako sa mga plans ni God sa buhay mo. Huwag mo’kong kakalimutan pag natutupad mo na pangarap mo ha. Sabi ko naman sayo, kahit di na tayo naguusap, I’m still silently cheering for you.

You’re an answered prayer to me, the kind of man I’ve been praying for. Hindi lang siguro ngayon, at kung hindi man talaga, maghihintay pa din ako, sa kung anong sagot ni God sa dasal ko.

Kaya sa tanong na ‘Pinagtagpo pero… Di nga ba tinadhana?’ Hindi natin alam. Only God knows, we just have to wait. But if God will allow, you have to know, naghihintay ako, naghihintay lang ako. Sabi ko naman diba? Balik ka lang, naghihintay lang naman ako. At kung sakaling hindi man yun ang nakalaan para sa’tin. Atleast naghintay ako. 🙂

Ladies, hindi totoo na lahat ng Seaman manloloko, meron pa ding God centered, siguro iilan na lang? At mapalad akong nakilala ko siya at naging parte ng buhay niya. 🙂