“PINAPANGARAP KA”
Pinagkaitan ng tadhana, naging bulag sa mga natatanggap na biyaya, naging manhid, nasanay sa sakit, nakikita ang mga negatibong senaryo kahit naka-pikit. nilalamon ng kalungkutan, tingin sa sarili’y isang basahan, nagkulong, nakulong sa kadiliman, hindi makita ang sarili sa kinabukasan, ang pangarap ay kinalimutan, isinira ang durungawan, para sa oportunidad na bumangon at lumaban, ang kalungkutan ay hinayaang dumapo sa katawan…
Pero hindi ka man lumaban, lagi mong tatandaan, na tapos na ang digmaan… gising, imulat mo ang mga iyong mga mata, gumising ka sa katotohang ang lahat ng nararanasan mo sa buhay ay winakasan na…
Dalawan libong taon, sakanyang mga palad ang mga pako’y bumaon, naging madungis sa harap ng marami, kahihiyan ang kanyang sinapit.. dinuraan, nilapastangan ang taong walang pagkakakilanlan.. ang diyos na bumuhay sa ating lahat, ang diyos na nagbayad sa ating mga kasalanan gamit ang mga pilat…
Dumanak ang dugo, simbolo ng pagpapatawad at pag-asa, nawalan ng pintig ang puso, simbolo ng pag-ibig na alay sa ating mga tao…
Kaya tandaan mo, hindi kailanman magiging buhay ang buhay kung hindi tayo mabubuhay sa paraan kung pano tayo binuhay..
Hindi mananatiling alon ang alon, hayaan mong tumila ang malakas na ulan at mismong ang tadhana na ang siyang sasang-ayon.
Ang pagiging bulag ay tigilan na, pahalagahan mo ang buhay na siya mismong biyaya.
Pakiramdaman mo ang plano sayo ng nagmamahal na poon, maaring nasasaktan ka, pero hindi kailanman pinagbawalan ang tao na bumangon.
Buksan mo ang iyong mundo, hayaan mong ang sinag ng araw ang mismong pumasok sa buhay mo, hayaan mong labanan ng liwanag ang dilim na lumalamon sayo..
Tumingala ka sa ulap, lumuhod at mangusap, ang pag-ibig ng diyos ay hindi kailanman nawala kahit isang iglap. “mahal kita… anak” ikaw ang kanyang pangarap.