Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

Naranasan mo na bang makulong? Makulong sa paulit ulit na sitwasyon? Sa bilyong tao sa mundo, bakit walang handang magmahal sa’yo? Naghihintay na may magbubukas ng iyong hawla at handang ikaw ay alagaan at mahalin. Nagmamahal ka, nagpapasaya ng iba, binibigay ang lahat. Noong una ay ayos lang na walang balik, pagka’t masaya ka nang masaya sya, masaya ka nang masaya sila. Pero dumarating ang pagkakataong hindi mo na naiintindihan kung bakit. Kung bakit sa lahat ng ginagawa mo, mag isa ka pa din. Kung bakit sa lahat ng binibigay mo, wala pa rin ang mga bagay na nararapat para sa’yo.

Nagtatanong sa sarili, hanggang kailan maghihintay. Mga lalaking iyong minahal, kailanma’y hindi ka pinusuan. Mga pagkakataong hindi ikaw ang pinipili. Mga pagkakataong ikaw ay isinasantabi. Mga pagkakataong ikaw lang ang nagbibigay. Mga pagkakataong ikaw lang ang nagmamahal. Mga pagkakataong ikaw lang din ang nasasaktan. Pero nariyan ka pa rin. Handang masaktan. Handang magbigay. Handang magmahal. Pa rin.

Nagtatanong sa Maykapal, bakit? Bakit mag isa ka pa din. Bakit walang handang piliin ka. Bakit walang handang ipaglaban ka. Bakit walang taong handang mahalin ka. Pero sa lahat ng bakit, may dahilan Siya. Hinayaan ka Niyang mahalin ang maling tao upang may matutunan ito mula sa busilak mong puso. Hinayaan ka Niya para itong maling tao ay maging tamang tao, pero hindi nakalaan para sayo. Hindi. Para. Sayo.

While you are busy reading this article, try mo rin makinig sa episode namin:


Hinayaan ka Niyang mahalin ang maling tao upang matuto ka. Matuto kang maging matibay kahit nagmamahal nang mag isa. Matuto kang sa minsang paglimot sa sarili ay hindi palaging maganda. Matutong magtira at mahalin din ang sarili. Inilagay ka Niya sa sitwasyong ‘yon upang maging handa ka sa tamang tao. Na hindi ka na nakakulong sa hawla ng pait at kalumbayan. Pagkat tanaw mo na ang sinag ng pag asa at ligaya.

Pangako, pinakamaganda pa rin ang mga plano Niya. Maghintay ka lang, darating din siya. Yung tamang taong tunay na magmamahal sayo. Yung tamang taong aalagaan ka at hindi isasantabi. Yung tamang taong ikaw at ikaw ang pipiliin. Hanggang dulo.

Pangako, mahal ka Niya. Alam Niya ang nilalaman ng puso mo. Mga paghihirap mo, mga pagluha mo. At sa Kaniya, hindi ka balewala. Simulan mo lang magtiwala sa Kaniya at hindi ka na mag iisa. 😊

Send me the best BW Tampal!

* indicates required