Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

Ha! Siguro ganon talaga pag may gusto ka
Sige lang nang sige kahit walang pag-asa
Kahit pagod nang umasa, na baka..
Malay mo diba?

Nagwarning na si tadhana
Sa panaginip pinigilan na
Sa mga pagkakataon may mga senyales na
Ano pa ba hinihintay ko para sumuko na?

Bwiset na puso to ayaw magpaturo
Gulong gulo na tahimik na mundo ko
Nawawalan na ko ng tino
Mawawasak na aking ulo

While you are busy reading this article, try mo rin makinig sa episode namin:


Ilang araw na lang 2020 na
Ilang araw nalang din natitira
Para ikaw ay pagbukasan at payagan
Dahil titigil na talaga ako sa 31

Tapang-tapangan ako
Kahit alam ko madudurog ako
Kasalanan naman ito ni ako
Nagpaka-shunga ako

Masakit, nakakapagod, nakakasawa
Sa huli ako din kawawa
Ilang buwan ako kumapit sa baka..
Kaya sa’king paglayo wag kang magtaka

Kung balang araw tayo
(Hay nako ayan nanaman ako)
Pero sige, kung balang araw…
Ewan ko…
Basta ngayon, suko muna ako.

Send me the best BW Tampal!

* indicates required