Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

Isang gabi nakita kita
Punong puno ng ngiti ang iyong mukha
Hindi ko maiwasang titigan ka
At nakita kong tinititigan mo rin pala siya
Ramdam kong masakit parin pala
Lalo na nung nakita kong may iba ka na

Kung paano mo siya tignan
Kung paano mo siya ngitian
Kung paano mo siya lapitan
Kitang kita ang iyong kasiyahan

At sino naman na ba ko sayo?
Isa nalang  pala ako sa nakaraan mo
Nakaraan na kinalimutan mo
Dahil nakahanap ka na ng bago.

While you are busy reading this article, try mo rin makinig sa episode namin:


Masaya ako para sa inyo sabi ng utak ko
Pero sobrang sakit pa rin pala sabi ng puso ko
Pero anong magagawa ko?
Diba masaya ka na nang wala ako?

Tanging pinagdarasal ko
Na sana mahalin ka niya ng totoo
Tanggapin at alagaan ng husto
At ipagmayabang sa buong mundo

Mahalin mo sana siya
Alagaan, intindihin at ipagmalaki
Para maiwasan mo ang pagsisisi sa bandang huli
Ingatan tulad ng pagiingat mo sa iyong sarili
Dahil hindi ko na kayang gawin yun
Sa kadahilanang may ibang babae na sa iyong tabi.

Send me the best BW Tampal!

* indicates required