“Pinto”
Naglalangitngit na tunog
ang maririnig sa bawat
paggamit, upang buksan at
muling pagsarhan ang mga
daraan.
Sa aking karanasan sa pag-ibig
sa bawat paglabas sa tarangkahan
ay may muling papasok upang ika’y
muling subukan, sa bawat pintuang
magbubukas, ay may damdamin ding
nasasaktan, nakasarang pinto na mahirap
buksan, napagod na sa sakit na nararamdaman
Sa bawat pintuan ng pag-ibig
may nararapat pagbuksan, ngunit
ang pintuang mahirap buksan ay
ang pintuang nasaktan, taong
minsang binuksan ang pinto naging
masaya ngunit sa huli ay nasawi, minsang
sinunod ang puso na di kasama ang utak,
naniwala sa mga matatamis na salita
pero sa huli iniwan, sinaktan at sinira
ang tiwala, paunti unting nagsara ang pintuan
ng pusong minsan na ding nagmahal
Pintuang nagsara ng dahil sa
mga kasinungalingan, kailan nga
ba muling magbubukas? sa bawat pagsubok
ng karamihan, na muling buksan ang pintuan
ng taong nasaktan hindi na ito madali..
dahil ang pintuan ng taong nasaktan ay
hindi na muling magbubukas ng walang
kasiguraduhan, ang pintuan ng taong nasaktan ay maraming ng napagdaanan at di na muling bubukas sa mga taong di sigurado sa nararamdaman.