Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

mag iisang taon na simula ng una nating pag-uusap.

sept. 29, 2019 (around 10-11pm)
ito ung date na yun,
nasa BGC rue bourbon ako,
kalalabas ko lang ng bar sinamahan ko si saint
sa may P. Burgos, sa circle park
after ko mag post nun
nag chat ka
I remember,
“anjan ka pa?”
then I replied,
“oo, kalalabas ko lang ng bar”
nagtataka ako bakit ka nagtanung nun
akala ko nasa malapit ka lang
yun pala
mag-offer ka sana ng drinks nun kung
nandun ung kaibigan mong barista.

After that night,
nasundan na chat at convo naten.
Well, honestly at first
wala lang naman sakin kasi I thought
baka tulad ka lang din ng iba na
sus ML/SEX lang habol sakin,
nag-iingat nga ako sa iba eh.
Tsaka alam mong iba ang pagkakakilala ko sayo
nun, hahaahha

While you are busy reading this article, try mo rin makinig sa episode namin:


Pero di ko alam,
after lang ng ilang buwan
naiwanan na naman ako ng malaking
tanong sa sarili ko nun.
Yung mura ko kulang pa yung lutong
kasi nga akala ko nun wala, naisahan na naman ako
Naloko at nagago ako nung matagal ko ng kakilala
pero ngaun ko lang nakausap.

Classmate ko pa?!

Hahahahah iyak pero wala akong magawa nun.
Nung after mong sinabi na
itigil na naten to.
Dun ako nag-start i question ung sarili ko.
And inisip ko na baka ganun ka nga lang talaga.
Pero dumating din talaga yung araw na
pinaalam sakin ni God ung totoo.
May GF ka pala nun.

Nag-tanong ako sa sarili ko,
na sana sinabi ko sayo nun.
“Bakit naglihim kapa, pwede mo naman sabihin ung totoo?”

Medyo nakaka disappoint pero wala eh,
kaya natakot na ko.
Nag-start na naman ako i-down ung self-confidence ko.
na baka lahat naman talaga ng lalaki ee
iba lang habol sakin,
unang-una nanay na ako.
Di ako single,
may 2 sabit ako.
And baka yun din ang iisipin ng iba sakin,
“na baka may problema sakin”
kasi nga single ako and niloloko at iniiwan ako.
Meaning, baka ako ung problema.

Pero lumalaban ako,
marami nagpa-isip sakin na
wala naman problema,
sadyang di lang siguro ako naging sapat
kahit naibigay ko na lahat.

So ngaun, di ko alam bakit
umulit ako.
Sa daang alam ko namang alanganin.
Ramdam ko din di ka pa okay sa past mo,
I feel na
You’re still trying to heal yourself.

Pero sana, kung makikita mong di mo talaga ko
mahal.
Masabi mo ng maaga sakin,
para maibuhos ko na lahat.
Yun lang hinihintay ko,
kaya all out ako right now.
Bumabawi ako,
Ginagawa ko na lahat ng kaya ko,
Pinapakita at pinaparamdam ko
na mahal kita.
Di mo man pinapaniwalaan minsan,
pero hangga’t nararamdaman ko
gagawin ko.
Papatunayan ko,
mararamdaman ko naman din un balang araw
kung wala lang sayo yun eh.
And maybe that’s the time na titigil din ako.

But right now,
as to what I said,
I will love you as much as I can.
And thank you for allowing me.
Sorry, if sometimes ang drama ko na masyado.
Kahit ako naninibago.
Ganun lang din siguro,
nabago lahat dahil sa nakaraan.
Ngayon,
di lang sa nakakapagod,
nakakatakot na din talaga mag laan ng sobrang
atensyon, oras, pag-aalala at pagmamahal
sa taong di naman dapat.

I just wrote this to tell you,
na I am thankful kasi kausap parin kita ngayon.
Kahit alam kong wala naman kwenta sayo to heheheh.

Yaan mo.

Salamat din, at medyo di kana nagsusunget sakin.

Mahal kita,
kahit ganyan ka.
Di ko rin alam bakit eh
hahahah.

Send me the best BW Tampal!

* indicates required