Practice yarn 🥴
Categories Poetry

Practice yarn 🥴

Sanayan lang yan bes!
Masasanay ka sa pangaraw-araw niyang pangungulit,
Sa araw araw niyang pangangamusta,
Kung kamain ka na ba?
Magandang Umaga,
Magandang Hapon,
Magandang Tanghali
Magandang gabi,
Na may kasamang pambobola na mas maganda ka pa!
Masasanay ka sa walang humpay niyang pagtatanong,
Kamusta araw mo?
Kwento ka makikinig ako,
May problema ka ba?
Ngiti ka naman!
Hanggang sa unti unti mo nang nakasanayan ang lahat na wala ka namang balak magkagusto,
Pero ayun hinahanap mo na,
Hinahanap mo na ang lahat ng ginagawa niya sayo,
Hinahanap mo na kung saan ka ba lulugar sakanya,
Mapapatanong ka,
Ano nga ba ko sakanya?
Kaibigan?
Matalik na kaibigan?
May gusto na kaya siya sakin?
Dapat ko bang tanungin?
Pero mali ako ang babae,
Nasanay lang ako siguro,
Kaya pinagpatuloy mo ang nakasanayan,
Na umabot sa puntong,
Lumalabas na kayo,
Kumakain na magkasama,
Nagsisimba ng sabay,
Bumabiyahe ng pagkalayolayo makasama ka lang,
Kasi nasanay ka na,
Nasanay na rin siya,
Pero kaibigan lang ang turing niya sayo,
At mas lumala pa ang nakasanayan,
Consistent ang lolo mo,
Lumevel up pa ang loko,
May pag hawak na ng kamay,
May pagakbay,
May kung ano ano pa na pang jowa lang ang paraan,
Dahil sa unti unti mong ginusto,
Nahulog ka ng tuluyan,
Hinayaan ang nakasanayan,
Pero sa bandang huli,
Isang patibong lang ang lahat,
Kung saan isang laro ang naganap,
Natalo ka kaya magdusa ka,
Kaya umpisahan mo na,
Masanay ka na ulit,
Masanay ka na walang mangungulit,
Masanay ka na walang kamustahan,
Yung tipong umaabot ng pangmagdamagan,
Masanay ka na walang siya,
Masanay ka na,
Dahil isa kang prinsesa,
Minamahal, iniingatan at pinapahalagahan,
Hindi ka isang sundalo,
Para ipaglaban ang di siguradong ginoo,
Kaya masanay ka na!
Masasanay ka na!